“Pahina ng Katuwaan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan Ene. 2021, 28–29.
Pahina ng Katuwaan
Nakatutok sa mga Numero
Ang mga taong nagsasagawa ng mga binyag ay may mga partikular na salitang dapat sabihin. Ang mga salitang iyon ay matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 20, ngunit mula sa aling talata? Gawin ang sumusunod na math gamit ang mga numero mula sa mga banal na kasulatan para malaman.
-
Kunin ang bilang ng mga bahagi sa Doktrina at mga Tipan at ibawas ang edad ni Joseph Smith nang matanggap niya ang Unang Pangitain (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:23).
-
Kunin ang resulta ng A at i-divide ito sa bilang ng mga aklat sa Aklat ni Mormon na tinatawag na “Nephi.”
-
Kunin ang resulta ng B at i-multiply ito sa bilang ng pagbisita ng anghel na si Moroni kay Joseph Smith noong gabi ng Setyembre 21–22, 1823 (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:30–47).
-
Kunin ang resulta ng C at ibawas dito ang bilang ng mga lipi ni Israel (tingnan, halimbawa, sa Genesis 49:28).
-
Kunin ang resulta ng D at ibawas dito ang edad na maaari nang mabinyagan ang isang tao.
Hanapin ang mga Pagkakaiba
Makakahanap ba kayo ng 10 pagkakaiba sa dalawang larawang ito?