2021
Makinig, Pakinggan, at Bigyang-pansin
Enero 2021


“Makinig, Pakinggan, at Bigyang-pansin,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2021, 32.

Panghuling Salita

Makinig, Pakinggan, at Bigyang-pansin

Makinig, Pakinggan, at Bigyang-pansin

Ang pinakaunang salita sa Doktina at mga Tipan ay makinig (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 1:1). Ang ibig sabihin nito ay “makinig nang may hangaring sumunod.” Ang ibig sabihin ng makinig ay “pakinggan Siya”—pakinggan ang sinasabi ng Tagapagligtas at pagkatapos ay bigyang-pansin ang Kanyang payo. Sa dalawang salitang iyon—“Pakinggan Siya”—binibigyan tayo ng Diyos ng huwaran para sa tagumpay, kaligayahan, at kagalakan sa buhay na ito. Dapat nating pakinggan ang mga salita ng Panginoon, makinig sa mga ito, at bigyang-pansin ang sinabi Niya sa atin!

Saan tayo maaaring pumunta para pakinggan Siya?

Maaari tayong magbasa ng mga banal na kasulatan. Maaari din nating pakinggan Siya sa templo. Mas malinaw nating nagagawang pakinggan Siya kapag pinagbuti natin ang ating kakayahang mahiwatigan ang mga bulong ng Espiritu Santo. At sa huli, pinapakinggan natin Siya kapag binibigyang-pansin natin ang mga salita ng mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.

Ano ang mangyayari kapag mas hahangarin ninyong pakinggan, marinig, at pansinin ang sinabi ng Tagapagligtas at ang sinasabi Niya ngayon sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta? Ipinapangako ko na pagpapalain kayong magkaroon ng ibayong kapangyarihan na harapin ang mga tukso, paghihirap, at kahinaan. Ipinapangako ko na magkakaroon ng himala sa relasyon ninyo bilang pamilya at sa gawain sa araw-araw. At ipinapangako ko na ang inyong kakayahang magalak ay madaragdagan kahit tumindi ang mga ligalig sa inyong buhay.