2021
Isang Sagot para kay Oliver
Enero 2021


“Isang Sagot para kay Oliver,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2021, 12–13.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Isang Sagot para kay Oliver

Isang Sagot para kay Oliver

Dumating si Oliver Cowdery para manirahan sa tahanan nina Joseph Sr. at Lucy Mack Smith habang nagtuturo siya sa paaralan na malapit sa kanilang bukirin.

Narinig ni Oliver ang tungkol sa kanilang anak na si Joseph at sa mga laminang ginto. Ninais niyang malaman pa ang tungkol dito.

Namangha si Oliver nang malaman niya kung paano binigyan ng Diyos si Joseph ng kapangyarihan na isalin ang mga laminang ginto.

Nais kong tumulong sa pagsasalin.

Kapag tapos na ang klase, ako ay hahayo at tutulong kay Joseph.

Kailangan mong manalangin at itanong sa Panginoon kung iyon ang nararapat para sa iyo.

Noong gabing iyon, si Oliver ay nanalangin at nagtanong sa Panginoon kung ano ang dapat niyang gawin.

Nakadama ng kapayapaan si Oliver nang manalangin siya tungkol sa pagtulong kay Joseph na magsalin.

Hindi naglaon, humayo si Oliver para tagpuin si Joseph Smith. Naglakbay siya kasama ang kapatid ni Joseph na si Samuel.

Joseph, narito ako para tumulong. Maaari akong maging tagasulat mo.

Salamat. Salamat sa tulong mo.

Nagsimulang magsalin sina Joseph at Oliver. Ikinatuwa ni Oliver ang karanasang ito, ngunit may mga tanong pa rin siya.

Isang araw, nakatanggap ng paghahayag si Joseph para kay Oliver na nagpaalala sa kanya tungkol sa sagot sa kanyang panalangin.

“Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa iyo, kung nagnanais ka ng karagdagang katibayan, ipako mo ang isipan sa gabing ikaw ay nagsumamo sa akin sa iyong puso, upang iyong malaman ang hinggil sa katotohanan ng mga bagay na ito.

“Hindi nga ba’t ako ay nangusap ng kapayapaan sa iyong isipan hinggil sa bagay na ito? Ano pang mas higit na katibayan ang iyong matatamo kundi ang mula sa Diyos?”1

Nanalangin ako para malaman kung dapat ba akong pumunta at tumulong sa iyo, at nakadama ako ng kapayapaan. Walang sinumang makaaalam tungkol dito maliban sa Diyos.

Natiyak ni Oliver na ang gawaing ito ay totoo. Tinapos nila ni Joseph ang pagsasalin na naging Aklat ni Mormon.