“Lahat ng mga kaibigan ko ay naglalaro ng mga teen-rated video game, pero pinipili kong hindi maglaro ng mga ito. OK lang ba ang mga teen-rated game?” Para sa Lakas ng mga Kabataan Ene. 2021, 30–31.
Mga Tanong at mga Sagot
“Lahat ng mga kaibigan ko ay naglalaro ng mga teen-rated video game, pero pinipili kong hindi maglaro ng mga ito. OK lang ba ang mga teen-rated game?”
Mga Pamantayan ng Mundo
“Pinipili ko ring hindi maglaro ng mga teen-rated game. Maaaring masaya ang ilan sa mga ito, pero hindi mo alam kung ano ang maaaring mangyari. Naglalaro ako ng masasayang laro kasama ng pamilya ko, at mas maganda ang pakiramdam ko sa hindi paglalaro ng mga teen-rated game. Ang mga pamantayan ng mundo ngayon ay hindi kapantay ng mga pamantayan ng Diyos, at nais kong maging katulad Niya.”
Payton D., 13, Nevada, USA
Pakinggan ang Espiritu
“Ang mga video game ba ay may pananalitang di-maganda o kalaswaan? Dapat nating sikaping iwasan ang mga ito, dahil ang mga bagay na ito ay nagtataboy sa Espiritu. Ang karahasan ay nagtataboy din sa Espiritu. Maingat at mapanalanging pag-isipan kung nadarama mo o hindi ang Espiritu sa buhay mo kapag regular kang naglalaro ng mga ito.”
Miriana B., 18, Washington, USA
Mga Kinatawan ni Jesucristo
“Mahalagang tandaan na tinataglay natin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo, kaya tayo ay mga kinatawan Niya. Sa lahat ng ating ginagawa, dapat nating itanong sa ating sarili kung ginagawa natin ang tulad ng gagawin Niya at kung mas inilalapit natin ang ating sarili sa Kanya.”
Brandon K., 17, Ohio, USA
Maganda, Mas Maganda, at Pinakamaganda
“Dapat nating tandaan na laging may mga bagay na maganda, mas maganda, at pinakamaganda na maaari nating panoorin, laruin, at pakinggan. Kahit na may mga bagay na ginagawa tayo na di-makabuluhan, malamang na may mga bagay na mas kapaki-pakinabang at nagbibigay-inspirasyon na maaari nating gawin.”
Ash H., 17, Virginia, USA
Ano ang Madarama ng Tagapagligtas?
“Kapag pumipili ng libangan, itinatanong ko sa sarili ko kung magiging komportable ba ang Tagapagligtas na panoorin ito o maglaro nito kasama ko. Kung ang sagot ay hindi, hindi ko na gagamitin ang libangang iyon, anuman ang rating nito. Maraming magagandang laro na maaaring maging masaya at kasiya-siya at mag-aanyaya pa rin sa Espiritu na mapasaatin.”
Brigitte D., California, USA