2021
May mga taong nagsasabi sa akin na kayabangan ang sabihin na tayo lamang ang totoong Simbahan. Ano ang dapat kong sabihin sa kanila?
Enero 2021


“May mga taong nagsasabi sa akin na kayabangan ang sabihin na tayo lamang ang totoong Simbahan. Ano ang dapat kong sabihin sa kanila?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2021, 31.

Tuwirang Sagot

May mga taong nagsasabi sa akin na kayabangan ang sabihin na tayo lamang ang totoong Simbahan. Ano ang dapat kong sabihin sa kanila?

klase sa simbahan

Sinabi mismo ng Panginoon kay Joseph Smith na ang Simbahang ito “ang tanging tunay at buhay na Simbahan sa ibabaw ng buong mundo, na kung saan ako, ang Panginoon, ay labis na nalulugod, nangungusap sa buong Simbahan at hindi sa bawat isa lamang” (Doktrina at mga Tipan 1:30).

Ang pahayag na ito ay tiyak na hindi nangangahulugan na mas mabuti tayo kaysa iba. Ngunit ito ay tiyak na nangangahulugan na ito ay Simbahan ni Jesucristo. Pinamumunuan Niya ito, ipinanumbalik Niya ito, at ibinigay Niya rito ang Kanyang awtoridad. Dahil dito, may ilang bagay na tanging ang Simbahan lamang na ito ang makapagbibigay, tulad ng mga propeta at mga apostol, mga ordenansa at mga tipan sa templo, at ang Aklat ni Mormon. Nagpapasalamat tayo para sa mga bagay na ito, at gusto nating ibahagi ang mga ito sa iba dahil sa tunay na pagmamahal natin—hindi dahil gusto nating “maging tama” o “maragdagan ang mga miyembro ng Simbahan.”

Bagama’t kaya nating magpatotoo nang buong tapang at tiwala tungkol sa Simbahan, hindi tayo dapat magyabang sa iba o maging walang respeto sa kanilang mga paniniwala. Sinabi minsan ni Propetang Joseph Smith, “Hindi namin ipinatatapon sa mga tao ang anumang mabuti sa kanila; hinihiling lang naming sumama sila at dagdagan pa ito” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 180).