2021
Pahina ng Katuwaan
Enero 2021


“Pahina ng Katuwaan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan Ene. 2021, 28–29.

Pahina ng Katuwaan

Larawan
Pahina ng Katuwaan

Nakatutok sa mga Numero

Ang mga taong nagsasagawa ng mga binyag ay may mga partikular na salitang dapat sabihin. Ang mga salitang iyon ay matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 20, ngunit mula sa aling talata? Gawin ang sumusunod na math gamit ang mga numero mula sa mga banal na kasulatan para malaman.

  1. Kunin ang bilang ng mga bahagi sa Doktrina at mga Tipan at ibawas ang edad ni Joseph Smith nang matanggap niya ang Unang Pangitain (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:23).

  2. Kunin ang resulta ng A at i-divide ito sa bilang ng mga aklat sa Aklat ni Mormon na tinatawag na “Nephi.”

  3. Kunin ang resulta ng B at i-multiply ito sa bilang ng pagbisita ng anghel na si Moroni kay Joseph Smith noong gabi ng Setyembre 21–22, 1823 (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:30–47).

  4. Kunin ang resulta ng C at ibawas dito ang bilang ng mga lipi ni Israel (tingnan, halimbawa, sa Genesis 49:28).

  5. Kunin ang resulta ng D at ibawas dito ang edad na maaari nang mabinyagan ang isang tao.

Mga Sagot

Hanapin ang mga Pagkakaiba

Makakahanap ba kayo ng 10 pagkakaiba sa dalawang larawang ito?

Mga Sagot

Komiks

Larawan
anak na lalaki at ina

Ang Espiritu ay maaaring nasa iyong kanang kamay at nasa iyong kaliwa at ang mga anghel ay nasa paligid mo, pero nagsusuot ka pa rin ng helmet!

Arie Van de Graaff

Larawan
ina at anak na babae

Salamat at tinulungan mo ako na dalhin at ipasok ang mga groseri! Huwag mo lang kunin at kainin ang cookies. Para iyon sa lesson ko sa Sunday School!

Ryan Stoker

  1. Nakatutok sa mga Numero: A. 138-14=124 B. 124÷4=31 C. 31×3=93 D. 93-12=81 E. 81-8=73 Sagot: Doktrina at mga Tipan 20:73

  2. Hanapin ang mga Pagkakaiba: 1. Nagbago ng kulay ang bulaklak. 2. Nagbago ng kulay ang kurbata. 3. Nawala ang suspender. 4. Nagbago ng kulay ang bow tie. 5. Nawala ang monocle o salamin sa mata. 6. Nawala ang pera sa bulsa ng kamiseta. 7. Nawala ang puting headband. 8. Nagbago ang kulay ng feather duster. 9. Nagbago ang kulay ng pader sa likuran. 10. Nagbago ang kulay ng damit ng babae sa gitna, sa hilera sa likod.

Print