2021
Kumonekta
Disyembre 2021


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2021.

Kumonekta

Jannis at Till G.

13 at 11, Bavaria, Germany

magkapatid na lalaki

Larawang kuha ni Julian Klemm

Hi. Magkapatid kami. Sa panahon ng pandemya, mas marami kaming binabasa at gumugugol kami ng mas maraming oras sa labas. Gusto namin lalo na ang swimming at football (soccer). Narito ang iba pang mga paraan na lumago kami.

Jannis: Mas pinasasalamatan ko ang mga magulang ko. Malaki ang tulong nila sa pag-aaral namin sa bahay. Para matulungan sila, gumugugol ako ng mas maraming oras sa nakababata naming kapatid na babae para magkaroon ng kaunting kapayapaan ang mga magulang ko. Mas nakikibahagi na ako sa sakramento bawat linggo. At sinimulan ko ring pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa seminary. Napalakas ng mga bagay na ito ang aking pananampalataya. Humanga ako kung paano nagpatuloy si Joseph Smith sa kabila ng mga hirap. Natutuhan ko mula sa kanya na hindi ako dapat sumuko at na kapag may mga tanong ako, dapat kong basahin ang mga banal na kasulatan at hanapin ang mga sagot ko roon.

Till: Sa paaralan, gusto ko talaga ang math. Kapag kailangan ko ng tulong sa paaralan, palaging nag-aalok ng tulong ang mga magulang ko. Tumutulong din akong alagaan ang kapatid naming babae. Nitong mga huling araw, nadagdagan ang pananampalataya ko sa pamamagitan ng higit na pakikibahagi ko sa sakramento. Binabasa ko rin ang Doktrina at mga Tipan.