“Jane Manning James,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2021.
Mga Tao mula sa Kasaysayan ng Simbahan
Jane Manning James
-
ca. 1821–1908
-
Tumanggap ng patriarchal blessing mula kay Hyrum Smith.
-
Lumipat sa Salt Lake Valley noong 1847.
-
Nabinyagan si Jane sa Connecticut, USA, noong 1842. Naglakad siya kasama ang kanyang pamilya papuntang Nauvoo, Illinois, USA, na may mga pagkakataon na masakit at nagdurugo ang mga paa. Nanirahan at nagtrabaho si Jane kina Joseph at Emma Smith bilang labandera. Nanatili siyang tapat hanggang sa mamatay siya noong 1908. Nagsalita si Pangulong Joseph F. Smith sa kanyang burol.