2021
Ano ang mga tungkulin ng mga anak na lalaki at anak na babae?
Disyembre 2021


“Binabanggit sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak ang mga tungkulin ng mga ama at ina, pero paano naman ang mga anak na lalaki at anak na babae?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2021.

Tuwirang Sagot

Binabanggit sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak ang mga tungkulin ng mga ama at ina, pero paano naman ang mga anak na lalaki at anak na babae?

pamilya

Larawang kuha mula sa Getty Images

Ang tungkulin ninyo sa inyong tahanan bilang anak na lalaki o anak na babae ay mahalaga, pero ano ba talaga iyon?

Iyon ba ay ang “igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” lamang (Exodo 20:12)? Iyon ay isang kautusan na mahalagang sundin. Ang ibig sabihin niyon ay sundin, igalang, at tularan ang mabuting halimbawa ng mga magulang. Ang pagbibigay ng karangalan sa kanila ay naghahatid ng karangalan sa inyo. Lalago ang inyong kaalaman, karanasan, at pagkatao. At nangako ang Panginoon sa inyo ng habambuhay na mga pagpapala kung gagawin ninyo ito.

Ngunit mahalaga man ito, hindi ninyo dapat isipin na iyon lang ang tungkulin ninyo sa tahanan.

Maaari at dapat kayong maging impluwensya sa kabutihan sa inyong tahanan. Maaari din kayong magpakita ng mabuting halimbawa—sa inyong mga kapatid at siguro maging sa inyong mga magulang. Maaari kayong maging isang tagapamayapa. Maaari ninyong panatilihing banal ang araw ng Sabbath. Maaari ninyong pag-aralan nang buong kasigasigan ang mga banal na kasulatan. Maaari kayong kusang gumawa ng mga gawaing-bahay na ipinagagawa sa inyo—o maging ang mga hindi ipinagagawa sa inyo.

At ang isa sa mga pangunahing trabaho ninyo sa inyong tahanan ay ang matuto at lumago at magsikap na maging pinakamabuting kayo na kaya ninyong abutin.