“Isang Regalo mula sa Isang Propeta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2021. Isang Regalo mula sa Isang Propeta Ni Emma Stanford; iginuhit ni Austin Shurtliff Si Pangulong Heber J. Grant (1856–1945) ay may mahabaging puso. Gustung-gusto niyang magbigay ng pera at regalo sa mga taong lubos na nangangailangan nito. Umupa ng isang typist si Pangulong Grant para magtrabaho sa kanyang opisina, kahit isang kamay lang ang magagamit niya. Maralita silang mag-asawa, at talagang kailangan niya ng trabaho. Dahil papalapit na ang Pasko, ginusto ni Pangulong Grant na gumawa ng iba pa para sa kanyang typist at sa pamilya nito. Umuwi siya at tinipon ang kanyang mga anak. “Malapit na ang Pasko, at gusto kong mapagpala ang iba tulad ng pagpapala sa atin ng Panginoon.” “Naaalala ba ninyo noong bigyan ko ng pera ang bawat isa sa inyo para sa Pasko noong nakaraang taon?” “Sabihin nga ninyo sa akin kung magkano ang gusto ninyo para sa Pasko ngayong taon, at ganoon din ang ibibigay ko sa typist ko!” Pagsapit ng umaga ng Pasko, nagpunta si Pangulong Grant sa bahay ng typist niya. Binigyan niya ng pabo ang pamilya ng typist para sa hapunan sa Pasko, at binigyan sila ng ilang daang dolyar para makatulong sa pagbabayad ng bahay nila. Masayang araw iyon para sa pamilyang naghihirap, at nakiisa si Pangulong Grant at ang kanyang mga anak sa kanilang kaligayahan.