2021
Isang Mas Makabuluhang Pasko
Disyembre 2021


“Isang Mas Makabuluhang Pasko,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2021.

Panghuling Salita

Isang Mas Makabuluhang Pasko

gas gauge

Mga larawang guhit ni Mallory Clinger

Habang ipinagdiriwang natin ang pagsilang ng Tagapagligtas sa masayang panahong ito ng taon, ang patuloy at walang-katapusang pagmamahal ng Diyos ay tila pumupuspos sa ating kaluluwa nang mas sagana at tumutulong sa atin na ibaling ang ating puso sa ating pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay. Tinutulungan tayo nitong maging mas sensitibo sa mga taong maaaring nadarama na sila ay nag-iisa, nalulumbay, o nangangailangan ng kapanatagan at kapayapaan.

batang babaeng nagpapakita ng kabaitan sa batang lalaki

Ang buhay ng Tagapagligtas ang sakdal na halimbawa ng pagmamahal at kabutihang-loob sa mga tao. Lagi Niyang kinalimutan ang Kanyang sarili alang-alang sa iba. Ang Kanyang di-makasariling mga gawa ay ipinahayag sa lahat ng Kanyang ginawa sa bawat araw ng Kanyang buhay at hindi naging limitado sa isang partikular na panahon o okasyon.

dalagitang pinapayungan ang matandang babae

Kapag taos-puso tayong tumulong sa iba tulad ng ginawa ng Tagapagligtas, ipinapangako ko na mas mararanasan natin ang kahulugan ng Pasko at makasusumpong tayo ng napakaraming pagkakataong tahimik at buong kabaitang ibigay ang ating mga sarili sa mga taong nangangailangan sa atin. Tutulungan tayo nitong mas makilala ang Tagapagligtas at matagpuan para sa ating sarili ang pagmamahal, kapayapaan, at panibagong lakas na madarama at maibabahagi natin sa iba.

puso’t isipan

Habang hinahanap natin ang Tagapagligtas sa lahat ng ating ginagawa, ang Pasko ay hindi lang magiging isang araw o panahon kundi magiging isang kundisyon ng puso’t isipan, at ang kagalakan at pagmamahal na nadarama tuwing Pasko ay magiging palaging nariyan.