2021
Lakas-ng-Loob na Sundin ang mga Pahiwatig
Disyembre 2021


“Paano ako magkakaroon ng lakas-ng-loob na sundin ang mga espirituwal na pahiwatig?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2021.

Mga Tanong at mga Sagot

“Paano ako magkakaroon ng lakas-ng-loob na sundin ang mga espirituwal na pahiwatig?”

Tunay na Layunin

binatilyo

“Lumalakas ang loob ko sa pamamagitan ng panalangin. Kapag nagdarasal ako sa aking Ama sa Langit nang may tunay na layunin sa aking puso, alam kong sumasaakin ang Kanyang Espiritu. Sa pamamagitan ng Kanyang Pinakamamahal na Anak, alam kong pagpapalain ako kapag sinusunod ko ang mga espirituwal na pahiwatig.”

Agbonavbare Bright I., 19, Nigeria

Pag-aayuno at Pagkilos

binatilyo

“Para magkaroon ako ng lakas-ng-loob na sundin ang inspirasyong natatanggap ko, nagdarasal ako para malaman kung talagang nagmula iyon sa Panginoon. Pagkatapos ay nangangako akong sundin ang paghahayag, na may kasamang maraming panalangin at pag-aayuno.”

Obed M., 19, Democratic Republic of the Congo

Nakadarama ng Kagalakan

dalagita

“Kapag kailangan ko ng lakas-ng-loob na makinig sa mga pahiwatig, iniisip ko kung gaano nito pinasasaya ang aking Ama sa Langit. At kapag nakikinig ako sa mga pahiwatig na maglingkod sa iba, nagiging mas masaya ako at mas gumaganda ang araw ko. Ang pagsampalataya sa Panginoon ay tumutulong sa akin na magkaroon ng lakas-ng-loob na sundin ang mga espirituwal na pahiwatig.”

Alyssa S., Utah, USA

Sumusuportang Grupo

binatilyo

“Kung paliligiran mo ang iyong sarili ng mga taong sumusuporta sa paggawa ng mabubuting desisyon, nagiging mas madaling sundin ang mga pahiwatig. Sumampalataya sa plano ng Panginoon. Nais Niyang maging pinakamabuti ang kalabasan ng lahat para sa iyo.”

Charlie R., Alberta, Canada

Paggawa ng Gawain ng Diyos

“Naaalala ko na ang mga espirituwal na pahiwatig ay nagmumula sa Diyos at mabubuting bagay lang ang ipinagagawa Niya sa atin. May kapangyarihan tayong tulungan ang iba na lumapit sa Diyos—kapag kumikilos tayo ayon sa mga pahiwatig, ginagawa natin ang gawain ng Diyos. Hindi mo maiisip kung ano ang uri ng epektong magagawa mo kung kikilos ka ayon sa pahiwatig!”

Sara S., 17, California, USA