“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan Dis. 2021.
Masayang Bahagi
Aktibidad sa Mga Saligan ng Pananampalataya
Ang larong ito ay magandang paraan para maalala ang Mga Saligan ng Pananampalataya. Ito rin ay pinaghalong magiliw na kompetisyon, saya, at halakhakan.
Siyempre, kung panalo kayo, may karapatan kayong magyabang habambuhay. O kahit paano hanggang sa susunod na aktibidad ninyo ng mga kabataan o pamilya.
Ganito ang paglalaro.
-
Hatiin ang inyong grupo sa dalawa o mas marami pang team.
-
Maglagay ng isang uri ng basket sa lupa para sa bawat team. Puwede na ang isang mangkok, basurahan, o kahit isang butas na hinukay sa lupa.
-
Gumuhit ng isang linya sa lupa na sapat ang layo mula sa mga basket para may hamon.
-
Bigyan ang bawat team ng 13 maliliit at may numerong mga bagay na ihahagis sa mga basket. Ang pinakasimple ay maaaring mga piraso ng papel na masusulatan ng isang numero at malalamukos para maging bola. O maaaring mga bato o patpat. Isulat, idrowing, o ipinta lang ang mga numerong 1 hanggang 13 sa mga bagay.
-
Ipabasa sa isang tao ang mga clue mula sa isa sa mga Saligan ng Pananampalataya. Kapag inakala ng isang team na alam nila kung aling Saligan ng Pananampalataya ang tinutukoy nito, susubukan nilang ihagis sa basket ang bagay na may numero. Kung hindi iyon pumasok sa basket, kailangan nilang tumakbo at pulutin ang bagay na inihagis at bumalik sa linya bago subukang maghagis ulit.
-
Sa sandaling pumasok sa basket ang inihagis ng isang team, itigil sandali ang laro.
-
Kung tama ang tinukoy na Saligan ng Pananampalataya ng team na iyon, bibigkasin nila iyon nang sabay-sabay at makakakuha sila ng isang punto. Kung mali sila, mababawasan sila ng isang punto at magpapatuloy ang laro.
-
Maghahalinhinan ang mga miyembro ng team na sumusubok na ihagis ang mga bagay sa mga basket. Maaari din ninyong subukang mas ilapit o mas ilayo ang mga basket mula sa linya (na pinananatiling magkakapareho ang distansya para sa bawat team) para baguhin ang tindi ng hirap.
-
Ang unang team na makaabot ng 13 puntos ang panalo!
Tingnan sa Puno
Maraming palamuti ang punong ito, pero dalawa lang ang talagang magkamukha. Hanapin ang dalawang palamuting magkamukha, pagkatapos ay hanapin ang isang tungkod ng pastol, dalawang tupa, isang kalapati, limang bituin, at limang kandila.