2022
Ang mga Patriarch: Sino Sila at Bakit Ito Mahalaga
Pebrero 2022


“Ang mga Patriarch: Sino Sila at Bakit Ito Mahalaga,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Genesis 11–50

Ang mga Patriarch

Sino Sila at Bakit Ito Mahalaga

Marahil ay narinig na ninyo ang tungkol kina Abraham, Isaac, at Jacob. Madalas nating mabasa ang tungkol sa kanila sa Aklat ni Mormon at tiyak na marami pa kayong maririnig tungkol sa kanila habang pinag-aaralan ninyo ang Lumang Tipan sa taong ito. Sa sobrang pagtutuon ng pansin sa kanila, malamang na napakahalaga nila, tama? Pero maaaring itinatanong ninyo sa inyong sarili, “Bakit mahalaga ngayon ang tatlong lalaking nabuhay nang libu-libong taon na ang nakalipas?” Ang susi sa sagot na iyon ay nakasalalay sa mga walang-hanggang tipan at ipinangakong mga pagpapala na ibinigay sa kanila ng Diyos.

Abraham

Larawan
Abraham

Mga larawang-guhit ni Jarom Vogel

Si Abraham ay isang dakilang propeta noon. Siya ay matuwid at masunurin sa mga utos ng Diyos.

Siya ay nabinyagan, tumanggap ng priesthood, at nabuklod sa kanyang asawang si Sara sa kawalang-hanggan.

Nakipagtipan ang Diyos kay Abraham na ang kanyang mga inapo ay magiging dakila at magkakaroon ng mga pagpapalang tulad ng natanggap niya.

Dadalhin nila ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo sa mga bansa ng mundo.

Isaac

Larawan
Isaac

Si Isaac ang nag-iisang anak nina Abraham at Sara.

Iniutos ng Diyos kay Abraham na ialay si Isaac. Minahal ni Abraham si Isaac ngunit pinili niyang sundin ang Diyos. Nang iaalay na ni Abraham si Isaac, isang anghel ang pumigil kay Abraham. Ang kahandaan nina Abraham at Isaac na sundin ang Diyos ay simbolo ng Pagbabayad-sala ng Bugtong na Anak ng Diyos.

Ipinangako kay Isaac ang mga pagpapalang tulad ng kay Abraham.

Jacob

Larawan
Jacob

Tulad ng kanyang ama at lolo, si Jacob ay tapat sa Diyos.

Dahil sa kanyang katapatan, binago ng Panginoon ang pangalan ni Jacob at ginawang Israel, na ibig sabihin ay “isang taong nananaig na kasama ng Diyos” o “hayaang manaig ang Diyos” (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Israel)”).

Si Jacob ay nagkaroon ng 12 anak na lalaki. Ang mga anak na ito at ang kanilang mga pamilya ay nakilala bilang mga lipi ni Israel.

Ang tipang ginawa ng Diyos kay Abraham ay napanibago kay Jacob at sa kanyang mga anak.

Ang mga Patriarch at Kayo

Bilang miyembro ng Simbahan, kayo ay bahagi ng mga inapo nina Abraham, Isaac, at Jacob. Ang tipang ginawa nila sa Diyos ay angkop sa inyo!

Nasa inyo ang pagpapala at responsibilidad na magpatotoo tungkol sa Tagapagligtas at ibahagi ang ebanghelyo.

Tinawag rin kayo upang anyayahan ang lahat na gumawa at tumupad ng mga tipan at tanggapin ang mga ordenansa ng priesthood. Sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson na ang lahat ng ito ay bahagi ng pagtitipon ng Israel, na siyang “pinakamahalagang nangyayari sa mundo ngayon” (“Pag-asa ng Israel,” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], 8, ChurchofJesusChrist.org).

Print