2022
Masayang Bahagi
Pebrero 2022


“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan Peb. 2022.

Masayang Bahagi

Paligsahan sa Paggawa ng Caption

aso

Pinupukaw ba ng larawang ito ang iyong imahinasyon? Umaasa kami na gayon nga, dahil ang kailangan lamang nito ay isang caption mula sa inyo para maging perpekto ito! Ipadala ang inyong mga pinakamagandang punch line (bago sumapit ang Marso 15) sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org. Puntahan ang ChurchofJesusChrist.org at hanapin ang “Caption Contest” para mabasa ang nakakatawang mga entry mula sa mga nakaraang contest.

Tapusin ang Katagang ito!

Narito ang isang laro na maaari mong laruin kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya para makita kung gaano ninyo kakilala ang bawat isa. Bilang bonus, magandang paraan ito para malaman pa ang ibang bagay tungkol sa bawat isa. Maidaragdag mo pa ang mga sagot ng inyong pamilya sa mga talaan ng kasaysayan ng inyong pamilya!

Simple lang ang laro. Babasahin ng bawat isa sa inyo ang simula ng kataga at pagkatapos ay isusulat ninyo kung paano kaya tatapusin ng ibang tao ang pangungusap.

Ikumpara ang inyong mga sagot. Ang sinumang may pinakamaraming tamang sagot ang siyang panalo.

  1. Ang pinakakakaibang pagkaing kinain ko ay _________________.

  2. Ang paborito kong kuwento sa banal na kasulatan ay _________________.

  3. Kung maaari kong makasama ng isang araw ang isang taong pumanaw bago ako isinilang, ito ay si _________________.

  4. Noon pa man ay gusto ko nang magbiyahe papuntang _________________.

  5. Ang paborito kong laro noong bata pa ako ay _________________.

  6. Kung maaari akong magkaroon ng superpower at kailangan kong pumili sa pagitan ng paglipad, labis na tulin, o sobrang katalinuhan, pipiliin ko ang _________________.

  7. Kung ilalarawan ko ang sarili ko sa isang salita, sasabihin kong _________________ ako.

  8. Ang isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya [o magandang payo na natanggap ko] na nakagawa ng malaking kaibhan sa buhay ko ay _________________.

  9. Ang pinakakakaibang kaloob na ibinigay sa akin ay _________________.

  10. Ang gawaing-bahay na hindi ko gustong gawin at ikasisiya kong ipakipagpalit sa iba ay _________________.

  11. Ang paborito kong subject sa paaralan ay _________________.

  12. Ang pinakamagandang araw ng buhay ko ay _________________.

  13. Ang pinakamahirap na araw sa buhay ko ay _________________.

  14. Ang nakatulong sa akin para malampasan ko ang pinakamahirap na araw ng buhay ko ay _________________.

  15. Ang bagay na lubos kong pinasasalamatan sa Ama sa Langit sa aking mga dalangin ay _________________.

Tuldok ng Templo

Mahuhulaan mo ba kung saang bansa naroon ang templong ito pagkatapos mabuo ang puzzle? Hint: Ito ang unang templong itinayo sa southern hemisphere.

mga tuldok ng templo

Larawang-guhit ni Josh Talbot

Komiks

arka ni Noe

Sobrang ginaw na rito! Sino ba ang laging naglalagay sa mababa nito?

Arie Van De Graaff

batang lalaki na nagpapala ng niyebe

Wow, anak! Ang bilis mong natanggal ang niyebe sa daanan! Pero akala ko tutulong ang mas bata mong kapatid! Nasaan siya?

Ryan Stoker

Sagot

Dot the Temple: Hamilton New Zealand Temple