“Ang Kapulungan sa Langit,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2022.
Taludtod sa Taludtod
Ang Kapulungan sa Langit
Nakita ni Abraham ang mga espiritung nagtipon bago isinilang ang sinuman sa mundo.
mga katalinuhan
Ang mga katalinuhan sa banal na kasulatang ito ay mga nilalang. Ang mga katalinuhang binanggit dito ay mga anak ng Diyos na may mga katawang espiritu.
inorganisa bago pa ang mundo
Ang mga nilalang na nakita ni Abraham ay inorganisa bilang mga espiritung anak ng Diyos. Pinagsama-sama sila sa isang Kapulungan sa Langit. Ang Kapulungang ito ay naganap bago pumarito sa lupa ang sinumang tao. Dito ipinaliwanag sa lahat ang plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.
mga marangal at dakila
Bahagi ng ibig sabihin ng pagiging marangal at dakila ay maging kagalang-galang at matuwid at gumawa ng maraming kabutihan. Kabilang dito ang paggawa ng maliliit at mga karaniwang bagay na ipinagagawa sa atin ng Diyos.1
mga tagapamahala
Ang uri ng mga tagapamahala na binabanggit sa talatang ito ay hindi mga hari o pangulo. Sila ay mga espirituwal na lider tulad ng mga propeta at iba pa na may mga tungkuling maglingkod sa mga anak ng Diyos.
pinili bago ka pa man isinilang
Ikaw ay pinili bago ka isinilang para gampanan ang mahalagang papel sa gawain ng Diyos. Ngunit kailangan mong patuloy na piliin ang kabutihan para magkaroon ng gayong pagkakataon.2