2022
Bakit tayo pinagagawa ng mga tipan ng Diyos?
Pebrero 2022


“Bakit tayo pinagagawa ng mga tipan ng Diyos?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2022.

Tuwirang Sagot

Bakit tayo pinagagawa ng mga tipan ng Diyos?

Larawan
binyag

Simula noong panahon nina Adan at Eva, sinabi na ng Diyos sa Kanyang mga anak ang tungkol sa Kanyang plano na tayo ay maging lalong katulad Niya, kasama na rito ang pananampalataya kay Jesucristo, pagsisisi, binyag, at ang kaloob na Espiritu Santo.

Sa pagtanggap ng mga tao ng binyag at ng kaloob na Espiritu Santo, gumagawa sila ng mga tipan. Ang mga tipan ay mga sagradong kasunduan sa pagitan ng Diyos at ng isang tao. Nangangako ang Diyos sa atin ng mga pagpapala kung sisikapin nating tuparin ang ating mga tipan. Dahil sa mga tipan tayo ay magkakaroon ng kapangyarihan na naglilinis sa atin mula sa ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng mga ito natatanggap din natin ang pinakadakilang mga pagpapalang maibibigay ng Diyos.

Hindi natin alam ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan natin ang mga ordenansa at tipan. Tulad ng sinabi minsan ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan: “Kailangan ang binyag, pero bakit? … Hindi ko alam. Pero ang alam ko ay naging posible lamang ang kapatawaran ng mga kasalanan dahil sa nagbabayad-salang sakripisyo ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. … Tinubos ng Kanyang sakripisyo ang aking mga kasalanan, at itinakda Niya ang mga kondisyon para mailigtas ako ng Kanyang ginawang pagbabayad. Sapat nang dahilan iyan para sa akin” (“Why Do We Do Missionary Work?,” New Era, Set. 2009, 3).

Print