2022
Mula sa Wala ay Naging Isang Bagay na May Halaga
Pebrero 2022


“Mula sa Wala ay Naging Isang Bagay na May Halaga,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2022.

Object Lesson para sa Home Evening

Mula sa Wala ay Naging Isang Bagay na May Halaga

Kapag pakiramdam mo ay nagkukulang ang iyong mga pagsisikap, umasa kay Jesucristo upang gawing mas dakila ang iyong mga pagsisikap.

Kabiguan. Nagkukulang. Nakakagawa ng pagkakamali. Nagkakasala pa nga. Anuman ito, marahil ay nadama mo na na parang kulang pa rin ang ginagawa mo. Bilang mga tagasunod ni Jesucristo, lagi nating gustong gawin ang lahat ng ating makakaya, pero kung minsan maaaring bumaba ang tingin natin sa ating sarili dahil hindi tayo perpekto.

Ang totoo ay walang paraan para maging perpekto tayo nang tayo lang mag-isa. Ang pagiging perpekto ay na kay Jesucristo (tingnan sa Moroni 10:32–33). Kapag tayo ay lumalapit sa Kanya, mapagpakumbaba, nagsisisi, at nananampalataya, gagawin Niya ang ating “mahihinang bagay na maging malalakas” (Eter 12:27). Tulad ng itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, ma[i]lilipat natin ang mga bundok sa ating buhay.”1

Sa pakay-araling ito, maaari ninyong pag-usapan ng inyong pamilya kung paano matutulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang bawat isa sa inyo na gawing mas mabuti kaysa sa inaakala ninyo ang inyong mga pagkukulang.

Ano ang Gagawin

  1. Hilingin sa isang miyembro ng pamilya na gumuhit ng isang simpleng bagay sa papel gamit ang bolpen. Sabihin sa kanila na sadyang huwag magdrowing ng anumang bagay na makikilala ng iba.

  2. Ipasa ang papel sa isa pang miyembro ng pamilya at hilingin sa kanila na gamitin ang mga marker o colored pencil para gumawa ng bagong bagay mula sa nakaguhit sa papel—isang bagay, isang tao, isang gawang sining. Ito ay maaaring anumang bagay na maiisip nila. Maging malikhain!

  3. Kapag tapos na sila, hilingin sa kanila na ibahagi ang kanilang bagong nilikha sa iba pang mga miyembro ng pamilya. Maaaring masayang subukan ito ng iba pang mga miyembro ng pamilya.

1

Larawan
drowing

2

Larawan
drowing

3

Larawan
batang babae at binatilyo na may drowing

Hayaang Tulungan Ka ng Diyos

Tulad ng nakaguhit sa papel, kung minsan ang mga pagsisikap nating gumawa ng mabuti ay hindi gaanong malaki. Maaaring malapit na nating maisakatuparan ang ating mga mithiin, at minsan naman ang resulta ng ating mga pagsisikap ay maaaring hindi kinikilala.

Ngunit kapag idinudulog natin ang ating mga pagsisikap sa Panginoon, makagagawa Siya ng mga kamangha-manghang bagay! Itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994) na: “Matutuklasan ng mga lalaki at babae na isinusuko ang kanilang buhay sa Diyos na mas marami Siyang magagawa sa kanilang buhay kaysa magagawa nila. Palalalimin Niya ang kanilang mga kagalakan, palalawakin ang kanilang pananaw, pasisiglahin ang kanilang mga isipan, palalakasin ang kanilang mga kalamnan, pasisiglahin ang kanilang espiritu, pararamihin ang kanilang mga pagpapala, daragdagan ang kanilang mga oportunidad, aaliwin ang kanilang mga kaluluwa, bibigyan sila ng mga kaibigan, at magbubuhos ng kapayapaan. Sinuman ang mawalan ng kanyang buhay sa paglilingkod sa Diyos ay makasusumpong ng buhay na walang-hanggan.”2

Maaari tayong malungkot kapag ang ating mga pagsisikap na gumawa ng mabuti ay hindi nangyayari sa paraan na inaasahan natin, ngunit hindi tayo kailangang panghinaan-ng-loob. Kapag kayo ay “[n]analangin sa Ama sa pangalan ni Cristo, upang kanyang ilaan ang inyong pagganap sa kanya,” ang inyong mga pagsisikap ay nagiging “para sa kapakanan ng inyong kaluluwa” (2 Nephi 32:9). Sa kabila ng ating mga kahinaan, kapag tayo ay mapagpakumbaba at nananampalataya sa Diyos, tutulungan Niya tayong maging lalong katulad Niya!

Print