“Isang Buwan Pa,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2022.
Isang Buwan Pa
Salamat sa pagtatrabaho mong mabuti ngayon. Heto ang bayad mo sa nakaraang buwan.
Salamat po! Magkita tayo sa Lunes.
Ayos! Sa wakas sapat na ang pera ko para mabili ang bisikletang iyon! Hindi na ako makapaghintay na magbisikleta sa paligid ng lunsod kasama ang mga kaibigan ko sa susunod na linggo.
Aba, parang ang saya mo. Sumahod ka ngayon?
Tama po!
Sumuweldo rin ako! May sobra akong tithing envelope kung sakaling kailangan mo.
Ah. Sige po. Nakalimutan ko ang tungkol sa ikapu. Di po ba puwedeng … sa sunod na buwan ko na lang ito bayaran?
Anak, ikaw ang gagawa ng pagpiling iyan. Pero palagi kong nadarama ang mga pagpapalang nagmumula sa pagbabayad ng ikapu sa lalong madaling panahon.
Alam ko ang sinasabi ni Inay, pero … kung magbabayad ako ngayon ng ikapu, isang buong buwan pa bago ko mabili ang bisikletang iyon!
Pero bakit hindi ko ito dapat bilhin ngayon? Napakarami kong mabubuting dahilan para gawin ito.
Makatutulong ito para mapabilis ang pagpasok ko sa eskuwela at sa trabaho. …
Magagamit ko ito kapag inuutusan ako ni Inay kapag marami siyang ginagawa. …
Makakapag-ehersisyo ako habang nagbibisikleta na kasama ang mga kaibigan ko. … Hindi ba lagi namang sinasabi ni Inay na dapat mas marami akong oras sa labas?
Nang sumunod na Linggo …
“Isaalang-alang ang pinagpala at maligayang kalagayan ng mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. Sapagkat masdan, sila ay pinagpala sa lahat ng bagay, kapwa temporal at espirituwal.”—Mosias 2:41
Gusto ko pa rin na may bisikleta na ako. Naiisip ko kung gaano ako kabilis makakabili ng groceries! Pero nakakadama rin ako ng … kaligayahan. Kahit wala ito. Nauunawaan mo ba?
Ganyan ang pakiramdam ko.
Siguro, magsisimula na rin akong mag-ipon para sa bisikleta. Pagkatapos ay maaari tayong mag-unahan papunta sa palengke!
Ha! Kung gusto mo lang naman na pumangalawa!