Maglingkod Ka nang Buong Puso at Kagalakan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2022.
Maglingkod Ka nang Buong Puso at Kagalakan
Nang magkaroon ng pagkakataong maglingkod sa Food Bank of Mexico, tatlong dalagita (kasama ako), isang binatilyo mula sa grupo naming kabataan, at 10 iba pa ang nagpasiyang makibahagi.
Noong una, wala akong ideya kung ano ang gagawin namin. Pero hindi nagtagal ipinaliwanag ng mga tao sa food bank na ihihiwalay namin ang nabubulok at di-nabubulok na mga pagkain sa mga grocery bag para makapagbalot ng pagkain para sa mga taong nangangailangan. Pinaghati-hatian ng grupo namin ang mga gawain, at pagkatapos ay nagsimula na kaming maglagay ng mga pagkain sa mga grocery bag. Mabilis kaming nagtrabaho bilang isang grupo at mahigit 500 grocery bag ang nalagyan namin ng pagkain!
Mula sa karanasang ito natutuhan ko na kahit wala tayong maraming pag-aari, matutulungan pa rin natin ang iba na mas nangangailangan. Unti-unti, makatutulong tayong lahat sa iba’t ibang paraan. Alam ko na pinagpapala tayo kapag naglilingkod tayo.
Gusto ko talagang maglingkod sa food bank. Kung bibigyan ako ng pagkakataong gawin itong muli, siyempre gagawin ko! Masayang makapaglingkod sa iba. Kung may pagkakataon kang maglingkod, gawin mo ito! At gawin mo ito nang buong puso at kagalakan.
Ang awtor ay naninirahan sa Mexico City, Mexico.