2022
Ang Pagpili
Hulyo 2022


“Ang Pagpili,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

1 Mga Hari 18:17–40

Ang Pagpili

Larawan
mga binatilyong nag-uusap

Oy, Ben, kumusta na ang book report mo?

Book report?

Oo, iyong ipapasa na bukas!

Larawan
nag-aalalang binatilyo

Naku, nakalimutan ko!

Larawan
binatilyong nakikipag-usap sa kaibigan

Huwag mo nang problemahin iyan. Kinopya ko lang ang report ko mula sa isang website. Walang kahirap-hirap! Ganoon din ang gawin mo.

Larawan
binatilyo sa harap ng computer, habang nag-iisip

Dapat ko bang kopyahin ang website na ito? Gusto ko ng mataas na grado, pero parang hindi tamang gawin ito.

Larawan
magkapatid na nag-uusap

Oy, Ben. Kumusta?

May book report ako na ipapasa na bukas, pero nakalimutan ko. Gusto ko ng mataas na grado, pero hindi ko ito makukuha nang hindi nandaraya. Mahalaga rin ang assignment na ito. Maaapektuhan nito ang huling grado ko sa klase!

Larawan
magkapatid na nakatingin sa phone screen

Alam mo, may nabasa ako na palagay ko ay maaaring makatulong sa iyo. Tingnan mo.

Larawan
Si Elias kasama ang mga saserdote ni Baal

Nagsalita ang propetang si Elias sa mga tao ng kaharian ng Israel sa bundok ng Carmel. Dinala ni Haring Ahab at ng kanyang mga saserdote ang mga tao sa kasamaan dahil pinasamba nila sila sa isang huwad na diyos na nagngangalang Baal.

“Hanggang kailan kayo magpapatalun-talon sa dalawang magkaibang kuru-kuro? Kung ang Panginoon ay Diyos, sumunod kayo sa kanya, ngunit kung si Baal, sa kanya kayo sumunod” (1 Mga Hari 18:21).

Larawan
binatilyong nag-aabot ng phone sa kapatid na lalaki

“Kung ang Panginoon ay Diyos, sumunod kayo sa kanya”… Palagay ko alam ko na ang gagawin ko.

Larawan
binatilyong nagsusulat
Larawan
binatilyong nag-aabot ng papel sa titser

Kinabukasan.

Larawan
binatilyong naglalakad

Baka hindi ako makakuha ng mataas na grado. Pero maganda ang pakiramdam ko dahil alam ko na pinili kong gawin ang tama.

Print