2022
Kumonekta
Hulyo 2022


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2022.

Kumonekta

Ana Julia A.

17, São Paulo, Brazil

Larawan
dalagita

Larawang kuha ni Leonardo Conceição Motta

Nakatira ako sa lugar na may pinakamalaking populasyon sa aking bansa. Masaya akong dito ako nakatira at hilig kong tumuklas ng mga bagong lugar kasama ang aking pamilya. Kasama kong nakatira sa bahay ang aking mga magulang, nakababatang kapatid na babae, at ang aming aso na si Meghan. Gusto ko na lagi silang kasama. Palagi kaming nagtatawanan at sumusubok gumawa ng bago at kawili-wiling mga bagay. Mas gusto namin ang ilang bagay kaysa sa iba, ngunit hindi namin malilimutan kailanman ang aming mga karanasan.

Ako ay nasa huling taon ko sa paaralan, at naghahanda na ako para sa mga huling pagsusulit. Medyo kinakabahan ako, pero nagtitiwala ako na tutulungan ako ng Panginoon na maipasa ang mga ito.

Gusto kong nagsisimba tuwing Linggo. Maraming kabataan sa aming ward, kaya masaya ang mga aktibidad. Tinutulungan ako ng mga kabataan sa paligid ko na manatiling matatag sa ebanghelyo. Masasabi ko na malaki ang pananampalataya nila.

Naghahanda akong maglingkod sa misyon. Gusto kong ibahagi ang ebanghelyo sa iba tulad ng ginawa ng mga missionary sa aking pamilya. Alam kong babaguhin nito ang kanilang buhay at ang aking buhay magpakailanman. Nagpapasalamat akong malaman na maaari akong magkaroon ng walang hanggang pamilya.

Print