“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2022.
Masayang Bahagi
Paligsahan sa Paggawa ng Caption
Kailangan ang kagalingan mo sa pagpapatawa sa paggawa ng caption sa larawang ito! Ipadala sa amin sa email ang pinaka-nakakatawa mong mga caption (nang hindi lalampas sa Hulyo 31) sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org. Pero bago iyon, siguraduhing basahin ang ilang paboritong entry mula sa huling paligsahan (nailathala noong Agosto 2021).
-
Matinding mga ministering sister: “Nakuha mo ba ang cookies na iniwan namin sa iyo?” Jordan J.
-
“Dito ba gagawin ang Chihuahua party? Inimbita ako ni Firulais.” Jeanett V.
-
“Nakakahiya. Huwag mong sabihin sa pusa ang nangyari.” Silvia S.
-
Kapag narinig mong binanggit ng nag-uusap ang pangalan mo. Rochelle K.
-
Kapag ihahatid ng kartero ang Para sa Lakas ng mga Kabataan. Betty J.
-
“Parang may amoy bacon?” Amy M.
-
Kapag may tanong ka pero galit ang nanay mo. Emerie K.
-
“Mas madali para sa isang bulldog ang dumaan sa pintuan ng pusa kaysa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos” (tingnan sa Mateo 19:24). Ainsley L.
-
Wala nang makakakita. Simulan ang operasyon “Pumuslit sa Bodega ng Dogfood.” Grace L.
-
Mga batang Primary na sumisilip sa Relief Society kapag maaga silang natapos sa klase. Brynn M.
-
Sinisikap na huwag tumingin sa mata ng titser kapag nagtatanong ito ng, “Sino ang gustong magbigay ng pangwakas na panalangin?” Benson S.
-
Kapag pinipilit mong magkasya sa iyo ang paborito mong polo noong grade three ka pa. Paisley S.
-
Lehi: “Pupunta na tayo sa lupang pangako.” Aso: “Puwede ba akong sumama?” Noah P.
Magtiwala sa Diyos
Sa isang karaniwan na Sudoku puzzle, ang mithiin mo ay punan ang 9×9 grid upang ang bawat column, bawat hanay, at bawat isa sa siyam na 3×3 kahon ay gagamit ng mga numero mula 1 hanggang 9 nang isang beses lang. Pero sa pagkakataong ito, gamitin ang sumusunod na siyam na salita sa halip na mga numero. Ang mga salitang ito ay may kaugnayan lahat sa pagkatutong magtiwala sa Diyos.
Tiyaga
Panalangin
Pagsunod
Pananampalataya
Puso
Pag-ibig sa Kapwa
Paglilingkod
Pagpapakumbaba
Pasasalamat
Komiks
Mga Sagot
Magtiwala sa Diyos (Sudoku):