“Huwag Matakot, ang Panginoon ay Kasama Mo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2022.
Panghuling Salita
Huwag Matakot—ang Panginoon ay Kasama Mo
Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2018.
Ang takot ay hindi na bago. Simula noong unang panahon, nilimitahan na ng takot ang pananaw ng mga anak ng Diyos. Sa 2 Mga Hari, ang hari ng Siria ay nagpadala ng hukbo upang hulihin at patayin ang propetang si Eliseo.
“At nang ang lingkod [ni Eliseo] ay magbangong maaga, at maglabas, narito, isang hukbo na may mga kabayo at mga karo ay nakalibot sa bayan. At ang lingkod [ni Eliseo] ay nagsabi sa kaniya, Sa aba natin, panginoon ko! Paano ang ating gagawin?” (2 Mga Hari 6:15).
Iyon ay ang takot na nagsasalita.
“At sumagot [si Eliseo], Huwag kang matakot: sapagkat ang sumasaatin ay higit kay sa sumasa kanila.
“Si Eliseo ay nanalangin, at nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo Panginoon, na idilat ang kaniyang mga mata, upang siya’y makakita. At idinilat ng Panginoon ang mga mata ng binata; at siya’y nakakita: at narito, ang bundok ay puno ng mga kabayo at ng mga karo ng apoy sa palibot ni Eliseo” (2 Mga Hari 6:16–17).
Mayroon man o walang ipadadala sa atin na mga karo ng apoy upang tanggalin ang ating takot at gapiin ang mga kahinaan natin, malinaw ang itinuturong aral. Ang Panginoon ay nasasaatin, nag-aalala Siya sa atin at binibiyayaan tayo sa mga paraang tanging Siya lamang ang nakagagawa.
Kung masigasig tayong nagtitiwala sa Panginoon at sa Kanyang mga paraan, kung ginagawa natin ang Kanyang gawain, hindi tayo matatakot sa kalakaran ng mundo o mababagabag ng mga ito. Ang Panginoon ay nagbabantay sa atin, nagmamalasakit at nakatayong kasama natin.