2022
Paghahanda para sa mga Tipan sa Templo
Hulyo 2022


“Paghahanda para sa mga Tipan sa Templo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2022.

Ang Tema at Ako

Ibinahagi ng mga kabataan kung paano nila ipinamumuhay ang mga salita sa Mga Tema ng Young Women at Aaronic Priesthood Quorum

Paghahanda para sa mga Tipan sa Templo

“[Ako ay] … gagawa ng mga sagradong tipan at tutuparin ang mga ito, at tatanggap ng mga ordenansa at pagpapala ng banal na templo.”

Larawan
templo

Larawan mula sa Temple Crowd Sourcing; kalangitan na kuha ng Getty Images

Gustung-gusto kong pumupunta sa templo! Salamat sa templo, maaari akong magkaroon ng walang hanggang pamilya, makatulong na tipunin ang Israel, at makatanggap ng mga espirituwal na pahiwatig at kapanatagan.

Nang lumipat ang pamilya ko sa aming bagong bahay, nagpasalamat ako na napakalapit nito sa templo. Kitang-kita ko ang templo mula sa bintana ng aking kuwarto. Araw-araw kapag nakikita ko ang templo, naaalala ko na maghandang gumawa ng mga walang hanggang tipan.

Talagang mahalagang maging handa para sa mga tipang ginagawa sa templo at tulungan ang mga tao sa kabilang buhay na gawin din ang mga tipang iyon. Nagbabasa ako tungkol sa templo at sinisikap kong maging handa sa abot ng makakaya ko para makagawa ako ng mas maraming tipan. Katatanggap lang ng kapatid ko ng kanyang endowment, at espesyal na karanasan iyon para sa kanya. Nang makita ko kung gaano siya kasaya natanto ko na gusto ko rin ang mga pagpapalang iyon!

At kahit natatanaw ko na ang templo mula sa bintana ko, ayaw kong balewalain ito. Kaya sinisikap kong mamuhay sa paraang lagi akong magiging karapat-dapat na pumunta sa templo.

Nang isara ang templo sa panahon ng pandemya, nanalig ako na hindi ito isasara nang napakatagal. Pagkatapos ay nakabalik ako sa templo sa unang pagkakataon, at napakaespesyal ng karanasang iyon. Medyo kinakabahan ako dahil matagal akong hindi nakapunta roon. Pero nang pumasok na ako, pakiramdam ko ay kabilang ako roon. Nadama ko ang Espiritu.

Napakalakas ng aking patotoo tungkol sa mga banal na lugar, at nasasabik na akong gumawa pa ng karagdagang mga tipan sa aking Ama sa Langit.

Ang awtor ay naninirahan sa Idaho, USA.

Print