2023
Kumonekta
Oktubre 2023


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2023.

Kumonekta

David G.

12, Heredia, Costa Rica

Larawan
binatilyo

Larawang kuha ni Christina Smith

Kapag nagdarasal ako, nadarama ko na palagi kong makakasama ang Diyos. Mula nang mabinyagan ako at magsimulang magdasal, pakiramdam ko ay parang tinutulungan Niya akong umunlad para makabalik ako sa Kanya kalaunan.

Nang magkasakit ang buong pamilya ko, ipinagdasal ko mula sa kaibuturan ng puso ko na pagalingin kami ng Panginoon nang walang anumang mas malalang nangyayari. Pakiramdam ko’y sinagot Niya ako at na tutulungan Niya kami. Nakadama ako ng malaking kagalakan, at lalo akong naniwala sa Kanya at sa Kanyang Anak na si Jesucristo dahil dito.

Para marinig Siya nang mas madalas, pakiramdam ko’y dapat tayong magdasal, pero hindi lamang para makapagdasal. Sa halip, dapat tayong magdasal nang taos-puso. Naririnig Niya tayo. Hindi Niya tayo pababayaan kailanman, at lagi natin Siyang makakasama.

Print