2023
Tanggapin ang Espiritu Bilang Gabay Mo
Oktubre 2023


“Tanggapin ang Espiritu Bilang Gabay Mo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2023.

Panghuling Salita

Tanggapin ang Espiritu Bilang Gabay Mo

Alam ng ating Ama sa Langit na mahaharap tayo sa mga pagsubok, paghihirap, at kaguluhan sa mortalidad; alam Niyang mahihirapan tayong paglabanan ang mga pag-aalinlangan, kabiguan, tukso, at kahinaan. Upang mabigyan tayo ng lakas sa buhay at banal na patnubay, ibinigay Niya ang Banal na Espiritu.

Ayon sa banal na pagtatalaga, ang Espiritu Santo ay nagbibigay-inspirasyon, nagpapatotoo, nagtuturo, at naghihikayat sa atin na lumakad sa liwanag ng Panginoon. Mayroon tayong sagradong responsibilidad na matutuhang makilala ang Kanyang impluwensya sa ating buhay at tumugon dito.

Paano natin gagawin iyan?

Una, nagsisikap tayong mamuhay nang karapat-dapat sa Espiritu.

Ikalawa, dapat ay palagi tayong handa na tanggapin ang Espiritu.

Ikatlo, dapat nating mahiwatigan ang Espiritu kapag dumating ito.

Ikaapat, dapat tayong kumilos sa unang pahiwatig.

Nawa’y lubos nating pagtuunan ng pansin ang pagtawag ng Panginoon na “magalak, sapagkat akin kayong aakayin” (Doktrina at mga Tipan 78:18). Inaakay Niya tayo sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Nawa’y mamuhay tayo nang malapit sa Espiritu, mabilis na kumikilos ayon sa mga unang pahiwatig sa atin, dahil alam nating nagmula ang mga ito sa Diyos. Pinatototohanan ko ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na gumagabay sa atin, nagbabantay sa atin, at palaging nasa atin.