“Bakit napakahalagang kontrolin ko ang aking pananalita?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2023.
Tuwirang Sagot
Bakit napakahalagang kontrolin ko ang aking pananalita?
Madalas tayong turuan ng Panginoon at ng Kanyang mga propeta na kontrolin ang ating sinasabi. Itinuro na rin nila sa atin ang mga dahilan sa paggawa nito. Narito ang ilan lang sa mga ito:
Makikita sa iyong mga salita ang nilalaman ng puso mo. Itinuro ni Jesucristo, “Sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig” (Mateo 12:34). “Tiyaking nakikita sa inyong pananalita ang pagmamahal sa Diyos at sa ibang tao” (Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili [2022], 12).
Ang pagkontrol sa iyong pananalita ay nagpapakita ng disiplina sa sarili. Itinuro ni Santiago, “Kung ang sinuman ay hindi [nakakasakit] sa pananalita, ito ay isang taong sakdal, may kakayahang pigilan ang buong katawan” (Santiago 3:2).
Ang mga salita ng isang disipulo ay dapat magpasigla. Itinuro ni Apostol Pablo, “Anumang masamang salita ay hindi dapat lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuti lamang para sa ikatitibay, ayon sa pangangailangan, upang ito ay makapagbigay ng biyaya sa mga nakikinig” (Efeso 4:29).
Ang sinasabi mo ay nakakaapekto sa kakayahan mong mapasaiyo ang Espiritu. “Ang maling pananalita ay kapwa nakapagpapababa ng pagkatao at nakapipinsala sa espiritu” (Gospel Topics, “Profanity,” topics.ChurchofJesusChrist.org).