2023
Kapag Pakiramdam Mo ay Nag-iisa Ka
Oktubre 2023


“Kapag Pakiramdam Mo ay Nag-iisa Ka,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2023.

Magagawa Ko ang Lahat ng Bagay sa Pamamagitan ni Cristo

Ibinahagi ng mga kabataan kung paano sila napalakas ni Cristo na gawin ang mahihirap na bagay (tingnan sa Filipos 4:13).

Kapag Pakiramdam Mo ay Nag-iisa Ka

Larawan
binatilyo

Paminsan-minsan sa buhay ko, nahirapan ako sa pakiramdam na nag-iisa ako. Kung minsa’y nadarama ko na parang hindi ako mahalaga o kailangan. Nadarama ko na kahit ang pinakamatatalik kong kaibigan at kapamilya ay hindi lubos na naunawaan ang pinagdaraanan ko.

Pero nang magpunta ako sa FSY conference, nakadama ako ng kapanatagan at kapayapaan mula sa Espiritu Santo. Nakatulong ito sa akin na malaman kung sino talaga ako at na ang ebanghelyo ay totoo. Nagsimula akong umasa kay Cristo at magtiwala sa Kanya at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Natanto ko na kilala Niya ako at naunawaan Niya ang nadama ko. Nagbago na ang aking pananaw, at ngayo’y sinisikap kong tulungan ang iba na lumapit sa Kanya.

Jacob C., Utah, USA

Print