2023
Matutulungan Ako ng Tagapagligtas sa Paaralan
Oktubre 2023


“Matutulungan Ako ng Tagapagligtas sa Paaralan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2023.

Magagawa Ko ang Lahat ng Bagay sa Pamamagitan ni Cristo

Ibinahagi ng mga kabataan kung paano sila napalakas ni Cristo na gawin ang mahihirap na bagay (tingnan sa Filipos 4:13).

Matutulungan Ako ng Tagapagligtas sa Paaralan

Larawan
dalagita

Ilang buwan na ang nakararaan, nahihirapan akong mag-aral. Ikinalungkot ko ang tungkol dito dahil hindi nahihirapan ang mga kaibigan ko na tulad ko. Nainis ako at nadismaya sa sarili ko, at naisip ko na walang nakakaunawa sa akin.

Pero nanood ako ng pangkalahatang kumperensya. Natanto ko na lubos akong nauunawaan ng Panginoon. Para makahanap ng tulong at kapanatagan, kailangan kong mas mapalapit sa Kanya. May solusyon ang mga problema ko kung magtutuon ako kay Jesucristo.

Kung minsa’y hindi ko nauunawaan kung bakit ako dumaranas ng mahihirap na bagay, pero nauunawaan iyon ng Tagapagligtas. Alam Niya kung ano ang kaya kong gawin. Alam ko na mahal ako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at matutulungan Nila akong humusay kung magsisikap ako.

Ana Sofia P., Puebla, Mexico

Print