2023
Paano ako magiging tagapamayapa kung hindi nagkakasundo ang mga tao sa paligid ko?
Oktubre 2023


“Paano ako magiging tagapamayapa kung hindi nagkakasundo ang mga tao sa paligid ko?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2023.

Mga Tanong at mga Sagot

“Paano ako magiging tagapamayapa kung hindi nagkakasundo ang mga tao sa paligid ko?”

Tulungan ang Kaya Mong Tulungan

binatilyo

“Kung minsa’y hindi natin mapapayapa ang mga taong nagiging sanhi ng alitan, pero mapapanatag natin ang mga nasasaktan. Natagpuan ko ang sarili ko sa sitwasyong ito. Sa halip na harapin ang mga nang-aaway, matutulungan natin ang ibang kasangkot. Maaari tayong maghatid sa kanila ng kapayapaan.”

Eddy A., 17, Guatemala

Mamagitan

dalagita

“Kapag nag-aaway o nagtatalo ang mga kapatid ko at masyadong namomroblema ang nanay ko, maaari akong maging tagapamayapa kung mamamagitan ako at tutulungan ko ang nanay ko. Sa paggawa niyan, maaari kaming mas magkalapit-lapit lahat.”

London H., 15, Alabama, USA

Hanapin ang Diyos

dalagita

“Maaari tayong magdasal nang taos-puso at magtanong kung paano maging tagapamayapa. Kung minsa’y dumarating kaagad ang sagot, at kung minsa’y kailangan nating magtiwala sa Diyos. Kung susundin natin ang Diyos at hahangaring maging katulad Niya, maaari nating makasama ang Espiritu kahit saan.”

Adelyn A., 13, Colorado, USA

Makinig

dalagita

“Kadalasan, kailangan lang ng mga tao na makinig na mabuti. Kung talagang nakikinig ka sa iba, magsisimula mo silang makita sa paraan ng pagtingin ng ating Ama sa Langit: bilang mga anak ng Diyos. Nakatulong ito sa akin na lutasin kahit ang pinakamahihirap na pakikipagtalo sa aking mga kaibigan at kapamilya.”

Anna G., 17, California, USA

Maging Mabait

dalagita

“Maging halimbawa sa mga tao sa paligid mo. Mapapatatag natin ang ating mga relasyon sa iba sa pamamagitan ng pagsisikap na pakinggan at igalang ang kanilang mga opinyon at damdamin. Kung minsa’y mas mabuting maging mabait kaysa maging tama.”

Joy H., 15, Maryland, USA