2023
Ang 10 Dalaga
Oktubre 2023


“Ang 10 Dalaga,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Okt. 2023. 

Ang mga Talinghaga ng Tagapagligtas

Ang 10 Dalaga

Mateo 25:1–13

Larawan
Ang Sampung Dalaga

I-download ang PDF

10 babae ang naghintay para salubungin ang lalaking ikakasal.

Ang 5 ay naghanda ng sapat na langis para masindihan ang kanilang mga ilawan sa buong magdamag. Ang 5 ay hindi.

Naantala ang lalaking ikakasal, at nakatulog ang mga birhen na naghintay nang ilang oras sa dilim.

Nang ibalita ang kanyang pagdating, gumising sila at nakita na malapit nang mamatay ang kanilang mga ilawan.

Nagdagdag pa ng langis ang 5 matatalinong babae para muling sindihan ang kanilang mga ilawan. Pero hindi sila makapagbigay sa sinuman sa 5 hangal na babaeng naubusan ng langis.

Habang naghahanap ng langis ang 5 hangal, dumating ang lalaking ikakasal.

Nahuli ng dating sa kasal ang 5 hangal at nakiusap na papasukin sila.

Ngunit sinabi ng lalaking ikakasal, “Hindi ko kayo nakikilala,” at naiwan sila sa labas (Joseph Smith Translation, Matthew 25:12).

Ano ang Ibig Sabihin Nito?

Sinabi na ng Tagapagligtas na ang kuwentong ito ay tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito (tingnan sa D&T 45:56–59). Kung hindi tayo maghahanda, hindi tayo kikilalanin bilang Kanyang mga tao. Sa Kanyang muling pagparito, hindi tayo maaaring umasa sa patotoo ng ibang tao. Kailangan natin ang ating sariling patotoo. Kailangan tayong magabayan ng Espiritu Santo. Kung hindi ay hindi tayo magiging handang humarap sa Tagapagligtas sa Kanyang muling pagparito.

10 Babae: Mga Miyembro ng Simbahan ni Cristo

Lalaking Ikakasal: Jesucristo

Pagdating ng Lalaking Ikakasal: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Print