“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2023.
Kumonekta
Josué T.
17, Abidjan, Ivory Coast
Kapag sumasama ako sa mga missionary, sinisikap kong tulungan ang mga tao sa mga bagay na pinakamahirap para sa kanila. Sa tinitirhan ko, hindi palaging nasasabik ang mga tao na makipag-usap sa mga missionary. Hindi hahayaan ng ilang tao na turuan mo sila. Pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko kung minsan dahil kinukuwentuhan ko sila tungkol sa Simbahan at kay Jesucristo. Pero hindi iyon nagpapahina ng loob ko. Lagi akong nagpapatuloy. Nakakatulong ito sa aking paglago. Para sa akin, ang paglahok sa gawain ng Panginoon ay magandang pagkakataon para madama na malapit ako sa Kanya.
Nang mabinyagan ako, talagang sinuportahan ako ng mga elder. Sa aking binyag, masayang-masaya ako. Pakiramdam ko ay tinalikuran ko ang dati kong buhay at nagsimula ako ng bagong buhay. Tinulungan ako ng aking binyag na sumapi sa Simbahan ni Jesucristo at maghandang tumanggap ng iba pang mga ordenansa.
Ginagawa ko ang lahat para mabasa ang mga banal na kasulatan dahil talagang mas inilalapit ako nito sa Diyos. Tinutulungan ako ng mga banal na kasulatan na mas mapanatag, at kapag panatag ako, mas naririnig ko ang Espiritu.