2023
Ano ang “mga relihiyong sumasamba sa Diyos ni Abraham”?
Disyembre 2023


“Ano ang ‘mga relihiyong sumasamba sa Diyos ni Abraham’?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2023.

Tuwirang Sagot

Ano ang “mga relihiyong sumasamba sa Diyos ni Abraham”?

Larawan
Abraham

Abraham, ni Robert T. Barrett

Kadalasan, maririnig ninyo ang isang tao na tumutukoy sa “mga relihiyong sumasamba sa Diyos ni Abraham.” Halimbawa, sinabing minsan ni Pangulong Dallin H. Oaks, “Ang pagbibigay sa mga nangangailangan ay isang alituntunin sa lahat ng [relihiyong sumasamba sa Diyos ni Abraham] at sa iba pa” (pangkalahatang kumperensya ng Okt. 2022 [Liahona, Nob. 2022, 6]).

Kaya, ano ang “mga relihiyong sumasamba sa Diyos ni Abraham”? Ang maikling sagot ay: Judaismo, Kristiyanismo, at Islam. Kaya ganito ang tawag sa kanila ay dahil lahat sila ay naniniwala na si Abraham ay isang propeta at ang kanilang relihiyon ay nakarating sa kanila sa pamamagitan niya.

Ang paniniwala ng mga Judio at Kristiyano tungkol kay Abraham ay mula sa Lumang Tipan. Ang mga paniniwala ng mga Muslim tungkol kay Abraham ay nagmumula sa kanilang banal na kasulatan, ang Koran.

“Itinuturing ng mga Muslim at ng mga Banal sa mga Huling Araw si Abraham … bilang isang halimbawa ng katapatan, at pagsunod sa Diyos. Nakikita nila ang pagkakaisa ng Islam, Kristiyanismo, at Judaismo dahil sa karaniwang espirituwal na pamana na nakaugnay kay Abraham. Dahil dito, ang tatlong relihiyong ito ay madalas tukuyin bilang ‘mga relihiyong sumasampalataya sa Diyos ni Abraham’” (Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay, Gospel Library).

Print