“Ang mga Patay ay Tatayo sa Harapan ng Diyos,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2023.
Taludtod sa Taludtod
Ang mga Patay ay Tatayo sa Harapan ng Diyos
Sa kanyang paghahayag, nakita ni Juan ang Huling Paghuhukom.
mga patay, mga dakila at mga hamak, na nakatayo sa harapan ng Diyos
Ang kapangyarihan ng Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo ay dinadala ang lahat ng tao sa presensya ng Diyos para mahatulan (tingnan sa Alma 11:42–44; 33:22; 40:21; Helaman 14:15–17; Mormon 9:13–14).
ang mga aklat ay binuksan
Ang mga aklat na ito ay kumakatawan sa mga talaang iningatan sa lupa tungkol sa ginawa ng mga tao sa lupa para sumunod sa landas ng tipan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 128:7).
ang aklat ng buhay
“Sa isang banda, ang aklat ng buhay ang kabuuan ng mga iniisip at gawa ng isang tao—ang talaan ng kanyang buhay. Gayunman, [nakasaad din sa] mga banal na kasulatan na isang makalangit na talaan ang iniingatan tungkol sa matatapat, naglalaman ng kanilang mga pangalan at ulat ng kanilang mabubuting gawa” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Aklat ng Buhay,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org).
hinatulan
Ang Huling Paghuhukom ay darating matapos mabuhay na mag-uli ang mga tao. Si Jesucristo ang magiging Hukom ng bawat tao Ang paghuhukom na ito ang magtatakda ng walang-hanggang kaluwalhatiang tatanggapin ng bawat tao. (Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Paghuhukom, ang Huling,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org; Alma 41:3–5; Doktrina at mga Tipan 88:26–32.)
ayon sa kanilang mga gawa
Bawat tao ay hahatulan ayon sa kanilang ginawa at sa kanilang ninais (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 137:9). Hahatulan sila kung sila ba ay naging masunurin sa mga utos ng Diyos at kumilos sang-ayon sa anumang liwanag at katotohanang tinanggap nila sa buhay na ito.