2023
Ang mga negatibong impluwensya ay nasa lahat ng dako ng media. Paano ko mahahadlangan na maimpluwensyahan ako ng mga ito?
Disyembre 2023


“Ang mga negatibong impluwensya ay nasa lahat ng dako ng media. Paano ko mahahadlangan na maimpluwensyahan ako ng mga ito?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2023.

Mga Tanong at mga Sagot

“Ang mga negatibong impluwensya ay nasa lahat ng dako ng media. Paano ko mahahadlangan na maimpluwensyahan ako ng mga ito?”

Alalahanin Kung Ano ang Hindi Alam ng Internet

“Hindi mo maiiwasan ang mga negatibong impluwensya. Gayunman, maaari kang magtakda ng mga pamantayan. Maraming paraan ng paggamit ng lohika ang media para kumbinsihin ka na ibaba ang iyong mga pamantayan. Pero tandaan na hindi alam ng media ang lahat ng bagay. Ang Diyos ang nakakaalam niyan. Siya ang tunay na mapagkukunan. Makinig sa Kanya, at mapoprotektahan ka mula sa katiwalian ng media.”

Reilly K., Arizona, USA

Ibahagi ang Ebanghelyo

“Gumawa ako ng Instagram profile kung saan lumikha ako ng mga mithiin na tutulong sa mga kabataan sa buong Brazil na lumago at maging higit na katulad ni Cristo. Sa personal profile ko, may mga larawan din ng mga templo, ako na nasa chapel o institute, at hindi magtatagal, ako na nasa misyon ko. Ibinabahagi ko ang ebanghelyo sa social media.”

Cyndell M., 19, Brazil

Gumamit ng Personal na Paghahayag

Larawan
binatilyo

“Noong una akong gumamit ng internet, pinayuhan ako ng mga magulang ko na alamin ang mga panganib nito. Para makayanan ito, kinailangan ko munang manalangin sa Ama sa Langit para mapayuhan Niya ako. At nakatanggap ako ng personal na paghahayag na i-block ang lahat ng media na maaaring magligaw sa akin.”

Eden K., 18, French Polynesia

Sundin ang mga Pamantayan

Larawan
dalagita

“Ang hindi paggawa ng isang bagay na alam mong laban sa iyong mga pamantayan ay makakatulong din sa iyo na mas mapalapit sa Diyos at maiwasan ang mga negatibong impluwensya. Kapag nagdedesisyon ka tungkol sa mga pamantayan, nagsisikap kang maging mas mabuti, at iyan ang nais ng Diyos na gawin mo.”

Hazel J., 13, Idaho, USA

Maghanap ng Libangan na Nagpapasigla

Larawan
binatilyo

“Ang pagkakaroon ng libangan ay nakatulong sa akin na huwag magambala ng internet. Ang pagtatanghal ng mga magic show ay nakatulong sa akin na mapaunlad ang aking mga talento at mapasaya ang iba. Maaari tayong magtuon sa ating mga kalakasan para maiwasang maimpluwensyahan tungo sa maling landas.”

Sebastian S., 16, Germany

Makinig sa Espiritu

Larawan
dalagita

“Walang humpay na sinisikap ng kaaway na makita at mabasa natin ang mga bagay-bagay na nagpapadama sa atin ng galit, takot, inggit, atbp. Sinisikap kong huwag pumunta sa mga media platform na hindi nag-aanyaya sa Espiritu Santo kapag gusto kong makatanggap ng mga sagot o maglibang. Sa pakikinig sa Espiritu, hindi tayo gaanong maaapektuhan ng mga negatibong impluwensya ng media.”

Sierra H., 15, Idaho, USA

Pag-isipan Ito

Larawan
binatilyo

“Bago ka maniwala sa isang bagay, pag-isipan ito at tingnan kung mas inilalapit ka nito sa Diyos o mas inilalayo ka sa Diyos. Kung mas inilalayo ka nito sa Diyos, huwag kang magpaimpluwensya rito.”

Parker W., 11, Utah, USA

Print