2023
Pagbibilang ng mga Araw Hanggang Sumapit ang Pasko
Disyembre 2023


“Pagbibilang ng mga Araw Hanggang Sumapit ang Pasko,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2023.

Pagbibilang ng mga Araw Hanggang Sumapit ang Pasko

Larawan
Christmas Nativity Countdown Activity

I-download ang PDF

Gupitin ang sarili mong nativity!

Sa huling 10 araw hanggang sumapit ang Pasko, gupitin ang isang piraso bawat araw. Alamin ang iba pa tungkol sa unang Pasko sa pamamagitan ng pagbasa sa impormasyon at mga talata sa banal na kasulatan na nasa likod. Sa Araw ng Pasko, magkakaroon ka ng buong set.

Maaari mo ring isiping ibahagi ang nativity sa isang kaibigan, na ibinibigay ito sa kanila nang paisa-isa o nang buo.

Disyembre 16: Maria

Lucas 1:26–38; Alma 7:10: Sinabi ng anghel na si Gabriel kay Maria, na isang birhen, na siya ang magiging ina ng Tagapagligtas. Nagtiwala siya sa Panginoon at tinanggap ang Kanyang kalooban.

Disyembre 17: Jose

Mateo 1:18–25; 2:13–15: Si Jose ay isang “taong matuwid” na nagprotekta at nangalaga kina Maria at Jesus.

Disyembre 18: Sabsaban

Lucas 2:1–7: Ang sabsaban ay isang kahon na lalagyan ng pagkain ng mga hayop. Sa gabi ng pagsilang ni Jesus, si Maria ay “inihiga [ang Tagapagligtas] sa isang sabsaban sapagkat walang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.”

Disyembre 19: Mga Hayop

Dahil inihiga ang Tagapagligtas sa isang sabsaban, maaaring may mga hayop na tulad ng mga asno, aso, tupa, kamelyo, at baka sa malapit.

Disyembre 20: Anghel

Lucas 2:8–14: Ibinalita ng isang anghel ang pagsilang ng Tagapagligtas sa mga pastol na nagbabantay sa kanilang mga kawan.

Disyembre 21: Mga Pastol

Lucas 2:15–20: Nang matanggap ang balita na isisilang na ang Tagapagligtas, “nagmamadaling pumunta” ang mga pastol para makita ang Tagapagligtas at pagkatapos ay ibinahagi ang magandang balita sa iba.

Disyembre 22: Bituin

3 Nephi 1:13–21: Sa gabi ng pagsilang ni Cristo, isang bagong bituin ang lumitaw sa kalangitan.

Disyembre 23: Pantas na Lalaki

Mateo 2:1–8: Bagama’t madalas nating isipin ang “tatlong” pantas na lalaki, hindi natin talaga alam kung ilan sila. Sinundan nila ang bagong bituin hanggang Judea at tinanong si Herodes kung saan kaya naroroon ang Tagapagligtas.

Disyembre 24: Pantas na Lalaki

Mateo 2:9–11: Patuloy na sinundan ng mga Pantas na Lalaki ang bituin hanggang sa makita nila ang Tagapagligtas, pero hindi sila dumating noong gabing isinilang Siya. Si Jesus ay isa nang “bata” nang dumating sila na may dalang mga regalong ginto, kamangyan, at mira.

Disyembre 25: Sanggol na si Jesus

Isaias 9:6: Ang tunay na dahilan ng pagdiriwang natin ng Pasko ay ang Tagapagligtas na si Jesucristo. Ipinagdiriwang natin ang Kanyang pagsilang, bagama’t naaalala rin natin na Siya ay nagdusa at namatay upang bawat isa sa atin ay mabuhay na muli.

Print