“6 na Paraan para Madama ang Kapayapaan ng Liwanag ni Cristo Ngayong Pasko,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2023
6 na Paraan para Madama ang Kapayapaan ng Liwanag ni Cristo Ngayong Pasko
Magsindi ng isang flashlight para sa mga ideya.
Ang Kapaskuhan ay maaaring maging medyo abala at mahirap. Puno ba ang iyong Kapaskuhan ng alinman sa mga ito?
“Masyadong … maraming … homework!”
“Ilan pang treat ang gagawin natin?”
“Ako na ba?”
“Nakarumi iyan …”
“Palagay ko inanyayahan ang lahat sa Christmas party maliban sa akin.”
“Pasensya na, hindi po ako makatulong, Inay. Kailangan ko pong magpunta sa praktis!”
Kung minsa’y nagpapahirap ang lahat ng stress na maalala kung bakit natin ipinagdiriwang talaga ang Pasko. Magsindi ng ilaw sa likod ng pahina para mahayag ang anim na paraan para makatuon sa liwanag ng Tagapagligtas at makasumpong ng higit na kapayapaan ngayong Pasko.
Para masaya, pumili ng isang numero at mangakong gawin ang aktibidad ngayon, bago pa man ninyo malaman kung ano iyon.
-
Mag-ukol ng 5 minuto ngayon para tumahimik at alalahanin ang Tagapagligtas (tingnan sa Mga Awit 46:10).
-
Magpadala ng magandang text sa tatlo sa mga kaibigan mo.
-
Matutong magsabi ng hindi paminsan-minsan (siguro hindi sa nanay mo) para wala kang masyadong pinangangakuan. Pumili ng isang di-kinakailangang stress na kalilimutan ngayon.
-
Kumanta o makinig sa isang awitin sa Pasko tungkol kay Jesucristo.
-
Palipasin ang susunod na 12 oras nang hindi gumagamit ng internet o social media. Nagsisimula na ang timer ngayon!
-
Gumawa ng limang-minutong paglilingkod para sa isang kapamilya bawat araw sa susunod na tatlong araw.
Pagkukulay sa Kaguluhan ng Pasko
Narito ang iyong bonus na paraan para madama ang kapayapaan ngayong Kapaskuhan. Kulayan ang pahinang ito! Maniwala ka man o hindi, maaaring makabawas sa iyong stress ang pagkukulay. Isipin ang Tagapagligtas habang ginagawa mo ito, at lalo pang makakatulong iyan.