“Ang mga Manggagawa sa Ubasan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2023.
Ang mga Talinghaga ng Tagapagligtas
Ang mga Manggagawa sa Ubasan
Isang umaga, umupa ng mga manggagawa ang isang lalaki para tulungan siya sa kanyang ubasan. Sinabi niya na babayaran niya ng piso ang bawat isa sa kanila.
Apat na beses sa araw na iyon, umupa ng iba pang mga manggagawa ang lalaki at nangakong babayaran sila ng tamang bayad.
Sa pagtatapos ng araw, binigyan niya ang bawat manggagawa ng parehong halaga ng pera, kahit mas matagal na nagtrabaho ang ilan kaysa sa iba.
Nagreklamo ang mga manggagawang maghapong nagtrabaho na hindi makatwiran ang lalaki.
Pero ipinaalala niya sa kanila na tinanggap ng bawat isa sa kanila ang kanilang pinagkasunduan sa pagsisimula ng araw at na ang kabaitan ng Panginoon ay pinakinabangan ng lahat ng manggagawa.
Ano ang Matututuhan Natin?
Tulad ng lalaking maawain sa lahat ng kanyang manggagawa, maawain ang Diyos sa atin. Nais Niyang sumama tayong lahat sa Kanya sa Kanyang kaharian. Hindi pa huli ang lahat para pumasok o bumalik sa landas ng tipan at magsikap na maging katulad ng Tagapagligtas. Pagkatapos ay maaari Niya tayong pagpalain. Hindi tayo dapat mainggit kapag pinipili ng Diyos na pagpalain din ang iba. Sa halip, maaari tayong matuwa para sa kanila at maging masaya sa mga bagay na naibigay sa atin ng Diyos. At ang oras na ginugugol natin sa pagtatrabaho sa ubasan ng Diyos ay isa ring pagpapala!