2023
Saan Napupunta ang Ikapu at mga Handog-ayuno?
Disyembre 2023


“Saan Napupunta ang Ikapu at mga Handog-ayuno?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Dis. 2023.

Saan Napupunta ang Ikapu at mga Handog-ayuno?

Tingnan kung ano ang nangyayari sa iyong mga donasyon.

Naisip mo na ba kung ano ang nangyayari sa ikapu at mga handog-ayunong ibinibigay mo sa Simbahan? Narito ang mabilisang pagtingin sa nangyayari at sa kabutihang ginagawa nito para sa mga tao sa paligid mo at sa buong mundo.

Paano Magbigay

Maaari mong isumite ang iyong donasyon online sa donations.ChurchofJesusChrist.org o ibigay ito sa isang miyembro ng inyong bishopric o branch presidency.

computer at tithing slip

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Ikapu

Ibinibigay mo ang 10 porsiyento ng iyong kita para sa ikapu (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 119:3).

mga barya

Sa paggabay ng inspirasyon, nagdedesisyon ang Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol , at Presiding Bishopric kung paano gagamitin ang mga sagradong pondo ng ikapu, ayon sa patnubay ng Panginoon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 120).

Kabilang sa maraming bagay, ang ikapu ay pambayad para sa …

  • mga tolda at tao

    mga pagsisikap na pangkapakanan at pangkawanggawa.

  • daigdig at mga missionary

    Gawaing misyonero.

  • edukasyon

    Mga programang pang-edukasyon ng Simbahan.

  • family tree

    Family history research.

  • konstruksyon

    Pagtatayo at pangangalaga ng mga templo, simbahan, at iba pang mga gusali.

  • mga banal na kasulatan

    Mga banal na kasulatan at iba pang mga materyal.

Mga Handog-Ayuno

Ang pagbabayad ng mga handog-ayuno ay isang pagkakataon para tulungan ang ating mga kapatid sa espirituwal o temporal na pangangailangan. Ganito ang nangyayari:

pagkain

Para sa mga handog-ayuno, ibinibigay mo ang perang magagastos mo sana sa pagkain ng dalawang beses na hindi mo kinain habang nag-aayuno.

bangko

Ang iyong donasyon ay idinedeposito sa isang bank account kung saan kinukuha ang pondo ayon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng inyong ward o branch.

mga tao

Ang bishop, Relief Society president, at iba pang mga lider ng ward ay mapanalanging sumasangguni sa isa’t isa para matukoy ang mga pangangailangan ng mga miyembro, at maaaring gamitin ang mga handog-ayuno para ipambayad sa mga grocery, renta, mga bayarin sa pagpapagamot, o iba pang tulong.

mga grocery, bahay, at mga bayarin