Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mahal Ko
Hulyo 2024


Mahal Ko

Narito ang mga titik sa awiting ito mula sa 2024 Youth Theme album.

Mga Titik

1. ‘Pag nakikita ko

Mga babae sa ‘king screen.

Puso’y bumibigat,

mas masaya sila sa ‘kin.

‘Di maintindihan

Nararapat kong kahinatnan.

‘Di makatulog sa

Bigat ng kailangang gawin

Katotohanan ay

Napakahirap hanapin.

Parang isang patak

ng tubig sa dagat na kaylalim. Mm.

Naririnig Ka ‘pag nag-iisa.

Sa tinig Mo,

Gumagaling ako.

Pasanin ko

Ay pinapawi Mo.

Naaalalang ako’y mahal,

May likas—

Na kabanalan,

Perpektong dinisenyo.

‘Pag nanlulumo,

Tinatawag Mo—

Naaalalang ako’y mahal.

May likas—

Na kabanalan,

Perpektong dinisenyo.

‘Pag nanlulumo,

Tinatawag Mong mahal Ko. Mahal Ko.

2. Ang ingay ng mundo,

Hindi ko pinakikinggan.

Iyong pagmamahal

Ang siyang tangi kong kailangan.

Saksi mga bituin

At sugat mo para sa ‘kin.

Naririnig Ka ’pag nag-iisa.

Sa tinig Mo,

Gumagaling ako.

Anak Mo ako

Saan man magtungo.

Naaalalang ako’y mahal.

May likas—

Na kabanalan,

Perpektong dinisenyo.

‘Pag nanlulumo,

Tinatawag Mo—

Naaalalang ako’y mahal.

May likas—

Na kabanalan,

Perpektong dinisenyo.

‘Pag nanlulumo,

Tinatawag Mong mahal Ko. Mahal Ko.

Pasakit ko’y hindi hadlang,

Pinagdaanan lamang.

Ang dungis ay naglalaho,

Ganda’y inilalabas Mo.

Pasakit ko’y hindi hadlang,

Pinagdaanan lamang.

Ang dungis ay naglalaho,

Naglalaho.

Naaalalang ako’y mahal.

May likas—

Na kabanalan,

Perpektong dinisenyo.

‘Pag nanlulumo,

Tinatawag Mo—

Naaalalang ako’y mahal.

May likas—

Na kabanalan,

Perpektong dinisenyo.

‘Pag nanlulumo,

Tinatawag Mong mahal Ko. Mahal Ko.