Para sa Lakas ng mga Kabataan
Lakas ng Magigiting na Tao
Hulyo 2024


“Lakas ng Magigiting na Tao,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2024.

Lakas mula sa mga Banal na Kasulatan

Lakas ng Magigiting na Tao

Kinailangan din ng lakas ng magigiting na tao sa Aklat ni Mormon, at si Jesucristo ang pinagmulan nito. Paano kayo makakahugot ng lakas sa Kanyang lakas tulad ng magigiting na taong ito?

si Nephi na may kasamang binatilyo

Mga larawang-guhit ni Jarom Vogel

Nephi: Paghahayag (1–2 Nephi)

Ang paglisan sa tahanan, pakikibaka sa mga hamon ng pamilya, at pagharap sa mga bagay na hindi pamilyar ay maaaring mahirap. Pero nang manampalataya siya sa Panginoon, natuto si Nephi na maghangad ng paghahayag at magtiwala na gagabayan siya ng Panginoon.

si Alma at ang mga anak ni Mosias na may kasamang binatilyo

Si Alma at ang mga Anak ni Mosias: Pagsisisi (Mosias 27–28; Alma 36)

Kailangan ng lakas para magsisi at aminin na nagkamali ka. Matapos maranasan ng magkakaibigang ito ang makapangyarihang panawagang magsisi, bumaling sila kay Jesucristo at nakasumpong ng matinding lakas. Buong tapang nilang tinalikuran ang dati nilang buhay at, may pananampalatayang pinaglingkuran ang Panginoon at tinulungan ang iba na gawin din iyon. Nakadama sila ng malaking kagalakan.

mga kabataang mandirigma na may kasamang binatilyo

Ang mga Kabataang Mandirigma: Paglaban sa mga Pakikibaka sa Buhay (Alma 53; 56–57)

Maraming uri ng pakikibaka sa buhay. Nang maharap sa mga pakikibaka ang mga kabataang ito, naalala nila ang itinuro ng kanilang mga ina tungkol sa ebanghelyo at lumaban nang “may lakas ng Diyos” (Alma 56:56).