“Mga Salita na Gabay sa Buhay,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2024.
Mga Salita na Gabay sa Buhay
Ang Iyong Patriarchal Blessing
Hango sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2023 nina Elder Kazuhiko Yamashita at Elder Randall K. Bennett ng Pitumpu.
-
Naglalaman ng personal na payo ng Panginoon sa iyo.
-
Ipinapahayag ng patriarchal blessing ang iyong lipi sa sambahayan ni Israel.
-
Ay personal na banal na kasulatan.
-
Ay sagrado at kumpidensyal.
-
Hindi magsasabi sa iyo ng lahat ng detalye ng mangyayari sa iyong buhay.
-
Hindi sinasagot ang lahat ng tanong mo.
Kung hindi binanggit dito ang isang mahalagang pangyayari sa buhay, hindi ibig sabihin nito na hindi ka na magkakaroon ng gayong oportunidad. Ang patriarchal blessing ay walang hanggan, at kung mamumuhay ka nang matwid, ang mga pangako na hindi natupad sa buhay na ito ay matutupad sa kabilang-buhay.
Ano ang Dapat na Edad Mo?
-
Nasa hustong kaisipan na para maunawaan ang kahalagahan at kasagraduhan ng basbas at maunawaan ang pangunahing doktrina ng ebanghelyo.
-
Hangga’t maaari, dapat ay bata pa ang miyembro na may marami pang mahahalagang desisyon na gagawin sa buhay.