Para sa Lakas ng mga Kabataan
Paano kung hindi ko masabi na alam kong totoo ang ebanghelyo?
Hulyo 2024


“Paano kung hindi ko masabi na alam kong totoo ang ebanghelyo?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2024.

Tuwirang Sagot

Paano kung hindi ko masabi na alam kong totoo ang ebanghelyo?

halaman na dinidiligan

Kung pakiramdam mo ay hindi mo masasabing, “Alam ko,” OK lang iyan. Magsimula sa pinaniniwalaan mo. At kung hindi ka sigurado tungkol diyan, magsimula sa gusto mong paniwalaan. Pagkatapos ay “hayaan na ang pagnanais na ito ay umiral sa inyo,” (Alma 32:27) at akayin kayo na kumilos—manalangin, mag-aral, magsisi, maglingkod. Habang nananampalataya ka, bigyang-pansin ang iyong mga iniisip at nadarama. Sa paglipas ng panahon, maaari mong sabihing, “Naniniwala ako.”

“Ang paniniwala ay isang mahalagang salita, mas mahalaga pa kung ipapakita, at hindi kailangang humingi ng paumanhin sa ‘paniniwala lamang’”

Pahalagahan ang mga katotohanan ng ebanghelyo na pinaniniwalaan mo. Kumilos ayon sa mga ito. Maging tapat sa mga ito. Kapag ginawa mo ito, pagpapalain ka ng Banal na Espiritu. At magiging panatag ka sa Simbahan anuman ang uri ng iyong patotoo. Tulad ng sinabi ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Wala akong alam na palatandaan sa mga pintuan ng ating mga meetinghouse na nagsasabing, “Ganito dapat kataas ang iyong patotoo para makapasok ka.’”