Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mga Biglaang Pagsusulit at Panalangin
Hulyo 2024


“Mga Biglaang Pagsusulit at Panalangin,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2024.

Mga Tinig ng mga Kabataan

Mga Biglaang Pagsusulit at Panalangin

Tayana C., edad 17, Abidjan, Côte d’Ivoire

dalagita

Mga larawang kuha ni Ebick Ngoma

Kamakailan ay nabalisa ako dahil hindi ko nakuha ang mga grades na gusto ko. Pinag-isipan ko ito at natanto ko na hindi ako nagdarasal o nagbabasa ng mga banal na kasulatan. Kaya nagpasiya akong magbasa ng mga banal na kasulatan at magdasal tuwing umaga. Hindi nagtagal, unti-unting tumaas ang mga grades ko. Ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan at pagdarasal ay talagang nakatulong sa akin.

Sa isa pang pagkakataon, nagkaroon kami ng biglaang pagsusulit sa paaralan. Hindi ako nakapag-aral. Walang nakapag-aral—binigla kami ng guro. Nagsimulang mandaya ang lahat sa pagsusulit. Hindi ako magsisinungaling—gusto ko talagang mandaya. Pero may nagsabi sa akin, “Kailangan mong umupo at gawin ang lahat ng makakaya mo sa kung ano ang nalalaman mo.” Mahinang tinig iyon. Nabalisa ako, pero napanatag ng tinig ang puso ko. Kaya hindi ako tumingin sa kaliwa, at hindi ako tumingin sa kanan. Sinagot ko ang alam ko. Sa huli, ako lang ang nakakuha ng mataas na puntos. Masaya ako na nakinig ako sa Espiritu Santo.