Para sa Lakas ng mga Kabataan
Walang sinuman sa paaralan ang katulad ko ang mga pamantayan. Paano ako makikipagkaibigan doon?
Hulyo 2024


“Walang sinuman sa paaralan ang katulad ko ang mga pamantayan. Paano ako makikipagkaibigan doon?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, 2024.

Mga Tanong at mga Sagot

“Walang sinuman sa paaralan ang katulad ko ang mga pamantayan. Paano ako makikipagkaibigan doon?”

Larawan
dalagita

“Pag-usapan ang magkakatulad na interes ninyo. Hindi ninyo kailangang palamlamin ang inyong liwanag. Kailangan mo lang maging isang normal na tinedyer na nakakaugnay sa ilang masasayang bagay na ikinasisiya ng iba pang mga tinedyer. Sundin ang mga pamantayan ni Jesucristo, at linawin sa iyong mga kaklase ang mga pamantayang sinusunod mo.”

Jamie Ann B., 18, Negros Occidental, Philippines

Larawan
dalagita

“Maghanap ng mga taong may mga klase, interes, talento, o libangan na katulad ng sa iyo. May mabubuting tao sa ibang relihiyon, may mga kahanga-hangang tao rin na walang relihiyon. Silang lahat ay mga minamahal na anak rin ng Diyos. Kapag patuloy mong sinusunod ang iyong mga pamantayan, kahit hindi ito ginagawa ng iyong mga kaibigan, maaaring mahikayat ng iyong halimbawa ang iba na gumawa ng mas mabubuting pasiya.”

Lucy B., 15, Lima, Peru

Larawan
binatilyo

“Maging matiyaga at marespeto sa opinyon ng iba. Ang pagkakaibigan ay tungkol sa kalidad, hindi sa dami, at ang pagkakaroon ng ilang tunay na kaibigan ay maaaring maging mas makabuluhan kaysa sa pagsisikap na makibagay sa mga taong hindi nakaayon sa iyong mga pinahahalagahan.”

Adedoyin Alma O., 17, Osun, Nigeria

Larawan
dalagita

“Ibahagi ang iyong mga pamantayan sa kanila. Kung alam nila kung ano ang iyong mga pamantayan, maigagalang nila ang mga ito. Maaari mo ring anyayahan sa simbahan at/o sa mga aktibidad ng Simbahan ang mga kaibigan mo sa paaralan para matulungan silang makita ang iba pa sa mga pinaniniwalaan mo.”

Margarett P., 13, Texas, USA

Larawan
dalagita

“Natutuhan ko na makakahanap ka ng mabubuting kaibigan sa pamamagitan ng mga pahiwatig at pagpapakita kung sino ka talaga. Kung minsan lalapitan ka ng mga tao, at kung minsan kailangan mong maghanap, pero may mga taong magiging mabubuting kaibigan o kailangan ng mabuting kaibigang katulad mo.”

Katie R., 18, Nebraska, USA

Print