Para sa Lakas ng mga Kabataan
Kumonekta
Hulyo 2024


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2024.

Kumonekta

Renata B.

12, La Paz, Bolivia

Larawan
dalagita

Na-bully at na-cyberbully ako sa eskuwela. Sinabi ko sa mga magulang ko ang nangyari, at tinulungan nila ako. At araw-araw akong nagdasal sa Ama sa Langit para mas maging maganda ang pagsasamahan naming magkakaibigan at maging malakas ako na harapin ang pinagdaraanan ko. Nakadama ako ng kapayapaan, at ngayo’y bumubuti na ang mga bagay-bagay. Natututuhan kong patawarin ang mga bully at hindi magtanim ng sama-ng-loob.

Nagkaroon ako ng iba pang mga karanasan kung saan tinulungan ako ng Diyos. Lagi akong nagdarasal kapag may ballet performance ako, dahil talagang kinakabahan ako. Nagiging mas kalmado ako palagi kapag iniisip ko ang Ama sa Langit. Nagpraktis din ako ng piyano hanggang sa makatugtog ako sa simbahan. Kahit hindi ko ito nagawa nang perpekto, ibinigay ko ang lahat ng aking makakaya at nakakita ng mga pagpapala mula sa Panginoon.

Print