Mga Tanong at mga Sagot
“Nasaktan ko ang damdamin ng isang tao sa simbahan. Paano ko maitatama iyon?”
“Pagnilayan ang iyong mga kilos, taos-pusong humingi ng tawad, humingi ng patnubay kung kailangan, at hangaring maging mabait at mapagpatawad sa hinaharap.”
Lincoln B., 16, Nevada, USA
“Kapag nasaktan ko ang damdamin ng isang tao, mabigat ang puso ko, na para bang may hindi tama. Pero kapag lakas-loob akong kumilos ayon sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo at taos-pusong humingi ng tawad sa taong nasaktan ko, nakadarama ako ng kapayapaan at alam ko na tama ang ginawa ko.”
Weya G., 14, Iba, Philippines
“Dapat tayong patuloy na magpakita ng pagmamahal sa kanila at maglingkod sa kanila. Dapat nating ipagdasal na magkaroon tayo ng lakas-ng-loob na makipagbati sa kanila. Maaaring mahirap at matagalan, pero ibibigay sa atin ng Diyos at ni Jesucristo ang kailangan natin para maitama ito.”
Dean C., 15, Texas, USA
“Ang unang hakbang ay kausapin ang taong ito at magpakita ng pagdamay para maunawaan ang nadarama niya. Maaari ka ring humingi ng lakas-ng-loob at inspirasyon sa Ama sa Langit sa panalangin para makakilos sa tamang paraan—kung paano kikilos si Jesucristo.”
Livia N., 17, Paraíba, Brazil
“Ipagdarasal ko ang taong nasaktan ko at hihingi ako ng tawad sa kanya. Magpapakumbaba ako at makikipagkaibigan sa kanya.”
Aelizadhel L., 19, Paniqui, Philippines