Tuwirang Sagot
Paano tayo magkakaisa kung magkakaiba tayong lahat?
Magkakaiba tayong lahat. Pero nais ng Panginoon na tayo ay “maging isa” (Doktrina at mga Tipan 38:27). Narito ang ilang alituntunin ng pagkakaisa na naituro sa atin ng mga propeta at apostol:
Nagkakaisa tayo kay Jesucristo, sa Kanyang ebanghelyo, at sa Kanyang Simbahan. “Tanging sa pamamagitan ng ating kani-kanyang katapatan at pagmamahal kay Jesucristo tayo makakaasa na maging isa.”
Ang pagkakaisa ay nangangailangan ng pagmamahal. “Kahit iba-iba ang mga wika at magaganda at nagpapasigla ang mga tradisyong pangkultura, kailangang mabuklod ang ating mga puso sa pagkakaisa at pagmamahal.”
Ang pagkakaisa ay hindi pagkakapare-pareho. “Hindi [magka]salungat ang pagkakaisa at pagkakaiba. Tayo ay magtatamo ng mas matibay na pagkakaisa habang nagtataguyod tayo ng isang kapaligirang tanggap ang lahat at may respeto sa pagkakaiba.” “Ang pagkakaisa ay hindi nangangailangan ng pagkapare-pareho, pero kailangan dito ng pagkakasundo.”
Ang pagkakaisa ay nangangailangan ng pagwawaksi sa pagtatalo at pagtatangi. “May puwang para sa lahat. Gayunman, walang puwang para sa anumang uri ng masamang palagay sa iba, pagkondena, o pagtatalo.”