Para sa Lakas ng mga Kabataan
Masayang Bahagi
Oktubre 2024


Masayang Bahagi

Masayang Bahagi

Caption Contest

Sabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008): “Sa lahat ng nabubuhay, magkaroon ng maraming kasiyahan at tawanan. Ang buhay ay dapat tamasahin, hindi lamang tiisin.”

May maiisip ka bang nakakatawang caption para sa retratong ito? Ipadala sa email ang iyong ideya sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org bago sumapit ang Disyembre 1.

Narito ang mga nanalong entry sa caption contest noong Agosto 2023:

“Ako kapag humihingi ng boluntaryo ang Sunday School teacher para magdasal.”—Kenzi T.

“Kung may umaalis sa tuwid at makitid na landas sa panahon ng taglamig.”—Hampton C.

“Paalala sa sarili: huwag maghanap ng mga snowboarding tutorial online.”—Jackson B.

“Kapag tinawag ka sa Sunday School pero hindi mo alam ang sagot.”—Seth B.

“Ako sa dalampasigan noong tatlong taong gulang ako na nagtatangkang maghukay papunta sa kabilang panig ng mundo.”—Samuel W.

“Lampas na naman si Santa sa chimney!”—Joseph C.

“Hindi mo naman ako sinabihang tumalon!!!”—Finneas Y.

“Makakatakbo ka, pero hindi ka makakapagtago.”—Tyson P.

“Nagpapalamig ng ulo iyan! Nang literal!” —Doutzen S.

“At ngayo’y tatalon siya sa tubig na parang bola.”—Joie E.

“Unti-unti siyang nagyelo.” —Evelyn, Grace, at Stella B.

“May pagkain dapat dito sa paligid.”—Henry D.

“Sa sandaling iyon niya natanto na ang plano niyang higitan ang world record para sa pinakamalaking snow ramp launch sa mundo ay … may kahirapan.”—Blake W.

“Kapag sinubukan mong lumakad sa ibabaw ng tubig, pero niyebe pala iyon.”—Paige W.

Magazine Scavenger Hunt

Makikita mo ba ang lahat ng 10 imahe na ito sa magasing ito? Kapag nakakita ka ng isang imahe, itugma ito sa alituntunin ng ebanghelyo mula sa artikulong kinakitaan mo rito.

  • 1. Pagpaplano ng mga aktibidad

  • 2. Pagtulong sa iba na makibagay

  • 3. Makipagkilala, huwag maasiwa

  • 4. Ang katotohanan tungkol sa pagiging disente

  • 5. 10 paraan para maglingkod

  • 6. Maaari tayong “maging isa”

  • 7. Ang iyong karanasan kay Cristo

  • 8. Tularan si Mormon

  • 9. Pagkakaroon ng kagalakan sa paghihirap

  • 10. Ang Liwanag ni Cristo

A.

B.

C.

D.

E.

F.

G.

H.

I.

J.

Handa Ka na ba para sa Isang Palaisipan?

Sa Aklat ni Mormon, sinabi ni Jesus sa mga tao sa lupaing Bountiful (Masagana) na umuwi at magnilay, manalangin, at maghanda para sa muli Niyang pagbisita sa lalong madaling panahon. Matutukoy mo ba kung kailan Siya nagbalik, batay sa palaisipan?

Palaisipan: Kung unang bumisita si Jesus sa Bountiful “ngayon,” bumalik Siya noong araw bago ang dalawang araw pagkaraan ng araw bago ang bukas.

Bumalik Siya:

  1. Nang gabing iyon (ngayon)

  2. Kinabukasan (bukas)

  3. Pagkaraan ng dalawang araw

  4. Pagkaraan ng tatlong araw

Komiks

mga binatilyong bumubuo ng isang bisikleta

Palagay ko baligtad ang mga tagubilin!

Ryan Stoker

Mga Sagot

Magazine Scavenger Hunt: A1, B6, C2, D8, E5, F10, G9, H9, I3, J7

Handa Ka na ba para sa Isang Palaisipan?: B. “Ang araw bago bukas” ay ngayon. Kaya “ang araw bago ang dalawang araw pagkaraan ng araw na ito” ay bukas.

Tala

  1. Gordon B. Hinckley, “Stand True and Faithful,” pangkalahatang kumperensya ng Abr. 1996 (Ensign, Mayo 1996, 94).